Zharmella's POV
Yey! May pov nanaman ako, oha? :))))
( a/n: lam mo na, malakas ka sakin eh ~_^ haha )
Haha salamatss co-author ^____^
Ah andito nga pala ako ngayon sa tabing dagat, umaasang makikita si Mikay
Pinaghahanap na nga siya dito sa amin eh, kung ano ano nalang dinadahilan ko. Minsan sasabihin ko tulog, nagbabawas o kaya naman may pinuntahan lang, namasyal basta ganun, kung ano nalang maisip kong dahilan haha nakakaloko nga eh :))))))
Sana naman makita ko na si Mikay ngayon....... teka? Si Mikay yun ah!
Mikay's POV
Haaaayy ang sarap talaga ng simoy ng hangin dito sa tabing dagat ^_^
Umupo ako sa bandang mga bato dito kasi kami madalas ni Zharmella noong sirena pa ko. Nako na-
"pssst" ?? Ano ba yan nagkwekwento ako eh -_- istorbo lang?
Yun na nga, sabi ko namimiss ko na si Zharmella T.T
"psssssst" ano ba kasi yun? O sino ba yun?
Lumingon lingon ako
Sa kanan....
Sa kaliwa.......
Sa likod......
Eh? Wala naman eh -3-
Pagharap ko.....
"BAH!"
"Ay shokoy ka talaga!"
"Hoy! Sirena kaya ako! Hahaha"
Si Zharmella! :)))))))
"Zharmella!"
"Ako nga :)"
Lalapit na sana ako sa kanya para yakapin siya pero pinigilan niya ko
"Sandali! Wag kang lulusong!" ????
"Eh?! Bakit naman?"
"May sasabihin nga pala ako sayo"
Naupo nalang ako sa buhanginan
"Nagtungo ako kay Behati" Eh?!
"Ha? Ano naman ginawa mo dun?"
"Sinabi niya sakin na hindi pwedeng mabahiran ng tubig dagat yang mga paa mo kung hindi, magiging sirena ka"
"Ano?! Babalik ako sa pagiging sirena kapag nabasa ako ng tubig dagat?"
" Tumpak! " huhuhu
"AT, babalik ka lang sa pagiging tao kapag wala ng bahid ng tubig dagat sayo :))"
Ganun? Bakit kailangan pa may ganun? Gusto ko pa naman lumangoy sa dagat -3-
"Grabe naman yun Zharmella" T.T
"Ah, salamat pala sa pagsabi sa akin tungkol dit-"
di ko na natapos, eh bigla ba namang umalis -_- anong problema nun?
"BAH!"
"Ay! Shokoy ka nga talaga!" may gumulat lang nanaman sa likod ko -_-
Kaya naman pala umalis si Zharmella ay dahil may tao -_- di man lang kami nakapagusap ng matagal -_-
Tumalikod ako
"Sa gwapo kong to? Ako shokoy? Tss" si Gino lang pala
"Baka eto shokoy haha" sabay turo kay JC, at sinuntok siya ni JC ngunit pabiro lamang