The Ancestral House
"Sweetie dalian nyo na at ipabitbit nyo na yang mga maleta nyo kay Manang! Kailangan na nating umalis" sabi sa amin ni Mommy.
Ako nga pala si Chandria at meron akong kapatid na nagngangalang si Charlene. Anak kami ng nagiisang Sophia Villaforte na isang succesful bussiness woman in the Philippines. Kaya ngayon excited na kaming pumunta sa Ancestral House nina Mommy for vacation this summer.
That time i was super excited because it was my first time to go there but, little did i know that something paranormal will happened because the past will still still remain..
It's already 9:00 pm ng makaalis kami sa bahay papuntang Bulacan. We're riding on a Mercedes Benz E63 actually kakabili lang sya ni mommy kaya ito yung ginamit namin. Meron kaming driver kaya hindi naman kami masyadong kinakabahan dahil nga gabi na kami nakaalis. Idagdag pang dad is on a bussiness trip that time kaya hindi sya nakasama.
Past 10:00 pm na nang maramdaman naming hindi kami umaandar. Nagtataka din si Mang Canor.
"Manong anong nangyari?" tanong ni mommy.
"Ma'am ayaw umaandar ng sasakyan" sagot naman ni Manong na sinusubukang irestart ang kotse pero pagnagiistart sya namamatay din ito agad.
"What?! Kakabili ko lang toh ah?!" inis na sigaw ni mommy.
Napatingin ako nun Kay Charlene. Tahimik lang syang nakatanaw sa bintana kaya napatingin din ako sa tinitignan nya. Nakakatakot pala ang pinagistopan namin kasi parang gubat sya. Puro puno kasi tapos andilim pa.
Si Charlene pala ay 5 years old. Ako naman 18 years old. Actually Ang laki ng gap namin bukod sa may 2 sisters ako na in the US at nasa 15 and 19 ang edad.
"Teka ma'am baba ako ichecheck ko ang makina.." atsaka lumabas si Mang Canor ng sasakyan.
I dont know that time.. pero i was really afraid and my heart started beating so fast without any reason..
Napatingin ako kay Mommy. Nagtetext sya siguro icocontact nya sina Grandma. Ang usapan kasi nila mga 9:00 sana andun na kami eh kasu nagkaproblema kami sa driver kaya 9:00pm na kami nakaalis.
"Mom, is everything's alright?" kinakabahan kong tanong.
What if maistock kami dito? No! never! Yun agad yung pumasok sa isip ko nung time na yun.
"Yes sweetie everythings going to be alright. Dont worry." pagpapagaan pa ng loob sa akin ni Mommy.
Inakap ko si Charlene pero ang pinagtaka ko pa ay bigla syang umiyak kaya napatingin kami ni Mommy sakanya.
"Charlene...?" gulat kong tanong ng makita ko syang hmuihikbi.
Napatingin naman ako kay manong sa harap. Grabe umulan na pala ng malakas basang basa na si Manong.
"Baby what's the problem??" tanong ni mommy.
Pero imbis na sumagot si Charlene ay lalo pa itong umiyak ng malakas. Kaya nataranta ako inipo ko sya sa lap ko at hinele hele. Napatingin ako sa likod tulog si Yaya Elene kaya ginising ko sya.
"Ya..." sabi ko napamulat naman sya.
"hmm bakit chandria?"
"Bakit sya umiiyak? parang natatakot sya.." sabi ko naman.
"SIge amina, papatulugin ko nalang mna sya...," kaya agad ko naman ibinigay si Charlene kay yaya. Si Mommy naman busy sa pakikipagusap sa phone nya.
"Hello mi?? Yes, nagkaroon kami ng problema.. yes,, i think maiistranded pa ata kami. Mi hindi kami pwede maistranded i'm with the kids.. really? yes thanks mi.. okay see ya! mwa!"