After a year or more of being on hiatus. Eto na ulit... Maguupdate na ko.
Anyone who can suggest a better flow, an idea, a scene, other opinions? Message me. ^^
Again, my apologies for updating so slow. Another lazy writer here... XD
ENJOY READING!
Votes, comments and spreading is very much appreciated! XD
chibi_love is back... <3
_____________________________________________________________________________
CHAPTER 6 -- Yandrix Grigori. And you are?
“So pa’no kayo nagkakilala ng unico hijo ko?”
Hala! Anong sasabihin ko? Pano ko ikukwento? Alangan namang sabihin kong ‘Nagising ho ako sa condo ng anak niyo dahil dinala niya ako dun after kong malasing sa bar.’ Bukod sa masisigawan at mapapagalitan ako nito ni Tyre, baka masabihan pa akong isang kaladkarin at mababang uri ng babae. No, thanks.
“Ma?!”
Nag-warning stare ako kay Tyre. ‘S-O-S!!!’
“Ano ba Rex?! Ma ka ng ma jan… para kang kambing.”
Tameme siya eh… haha!!! Nawala naman bigla yung kaba ko sa kanilang dalawa. Nakakatuwa. Parang hindi si Tyrone yung kasama ko ngayon.. Para siyang bata… haha!!!
“Kambing? Meeh naman sinasabi nun…”
Muntik ko na talagang maibuga yung nginunguya ko nung sumabat pa siya… I didn’t know that a Rex Tyrone Martinez would murmur a childish thing like that… Haha!!!
“Pasensya ka na hija… Saan nga pala ulit kayo nagkakilala ng anak ko?”
“We’re actually schoolmates ma’am… and naging classmate ko po siya dati sa isa sa mga minor subjects ko…” Atlast! Naalala ko rin yung first time ko siyang nakita… Buti na lang kahit papano may nagawa siyang tumatak sa utak ko…
“Oh really? How was he?”
“I was not familiar about Tyre that time kasi pareho po kaming irreg sa subject na yun. I only recognize him nung time na…” Napatingin bigla sakin si Tyre… I think he already know what I’m about to say…
“…lagi siyang na-i-special mention ng prof because of…”
Lalo nang sumama yung tingin nya sakin, itutuloy ko ba? Baka ako ang mapahamak nito eh…
“Because of what hija?”
“Wow ma! Ang sarap nito ah… ikaw ba nagluto nito?” Bigla namang sumabat si Tyre… Pero sa kasamaang palad, hindi siya pinakinggan ng mommy nya at tinignan ako na para bang pinapatuloy nya lang yung sinasabi ko.
Bigla akong nakaramdam na para bang may kuryenteng tumama sakin nung bigla akong napatingin kay Tyre… Ang sama na ng tingin nya… Mukha siyang mangangain ng buhay… yung pagkakahawak siya sa tinidor, para bang ako ang gusto niyang lamunin… I’m sooo dead…
“uhmm.. b-because of his great deliberation of impromptu speech during our speech class.” Tuloy tuloy. Dire-diretso na para bang walang hinga ang pagkakasabi ko nun. I felt relieved when I saw Tyre loosening up his grip on his fork.
“Oh really? He didn’t told me that.” Na-amaze nama si Tita.
Totoo naman yung sinabi ko about sa impromptu speech nya, pero that day lang naman siya na-special mention. Ang galing nya talaga that time, napaka- fluent and flawless yung pagkakadeliver nya I actually admired him because of that… pero mas nakilala ko talaga siya dahil sa madalas niyang pagka-late sa klase, at dahil dun madalas siyang mapagalitan ng prof at halos i-drop na nga siya kung hindi lang siya nakabawi dun sa impromptu speech nga na yun.
BINABASA MO ANG
For the Rest of My Life, I Love You (on going)
Teen Fiction“I Love You… and I’m willing to sacrifice my life for you… I want to protect you even if it causes me death… You are my life… and I’m willing to take whatever risk just to be with you…”