"Oh, tissue pa." Inabot ko ang binigay sa'kin at pinunas ito sa pretty eyes ko. Bait talaga ni bessy!
"Bes! Nakakaiyak yung movie ni Calyx at Patricia," maluha-luha kong saad kay Chloe. "Gusto ko ng gano'ng love story."
"Yeah, all time fave mo. Ilang ulit na rin natin napanood 'yan." Matabang nitong tugon.
"Ay grabe, parang 26th times pa lang naman. Hindi nakakasawa." She made an eye roll and clicked her tongue instantly. Hindi ko alam kung bakit. Hinayaan ko lang.
"Pwede bang horror movie naman or maybe we can go with some actions? Enough with romance already." Suhestiyon niya.
"Oh sige," pagsasang-ayon ko. "pero isa pang salang ulit nito." Sabay turo sa pelikulang paulit-ulit kong iniyakan, kinakiligan at kinabaliwang panoorin.
Napabuga ito ng hininga. "Never mind, let's sleep. Lights off na tayo."
"Mauna ka na, manonood pa'ko." Humiga na siya sa tabi ko at pumikit. Ako naman ay nagplay ng movie.
Actually, it is my favorite movie dahil dream ko ang magkaroon ng ganitong leading man at ganitong kwento. At malakas ang radar kong malapit nang mangyari 'yon.
Iyon ang magkaroon ako ng sariling love story!
Kaso laging failed. Hindi naman kasi nagpapakita si future hubby ko, mukhang shy type. Kaya nga ako na ang gumagawa ng paraan para makita siya.
Ang No Name bar ang isa sa mga paborito kong tambayan. Feeling ko kasi nando'n lang siya at naghihintay na i-approach ko.
Whenever I met a new guy, they always flirt with me so I also flirt back. Gantihan lang, para naman malaman ko kung siya si 'Da One' but they always end up running away, leaving me behind with a weird looks plastered on their faces.
Nakakainis.
Naiinip na kasi ako. Tinalo pa 'ko ng best friend kong pa-demure pero naunang humarot kaysa sa akin.
Buti pa siya may Papa Reid na...
With that, I pouted. I remember the time I gave Chloe my birthday gift, a condom, I told her na i-reto ako sa mga kaibigan ni Papa Reid pero hanggang ngayon 'di niya pa rin iyon nagagawa. Katampo lang.
Buti pa 'tong movie na ito ay hindi niya makalimutan pero 'yung tungkol sa pagrereto ay parang na-washed out na.
Tinapos ko ang palabas na pugto ang mga mata, tanda na labis akong naluha sa aking napanood. Humiga na'ko sa tabi ni bessy at pumikit nang may ngiti sa mga labi.
Don't worry, Cara. On the way na si future hubby mo, natraffic lang.
BINABASA MO ANG
Desire to Taste You
RandomCERTIFIED PROFESSIONAL TAMBAY SLASH GANDANG DYOSA NG SAN ISIDRO. Muli, nag-aabang kay Calyx ko at gumagawa ng kwentong ako ang bida at siya ang one and only leading man ko. Samahan niyo akong subaybayan ang pang-aakit ko sa destiny kong mabilis pa s...