MY FREAKING GOSH!
"Ano ba'ng problema ng lalaking 'yon?" Ngunot-noo kong bulong.
I feel so depress. Kasi naman, tinakbuhan lang rin ako ng lalaking iyon gaya ng pang forty-seventh kong nakilala.
Curious ka 'no? Bakit kamo?
Pisti. Hindi ko rin alam. I SWEAR.
Pero, ganito kasi 'yon..
Nagpunta ako rito sa No Name Bar upang hanapin si Calyx ko. Oo naniniwala ako na nandito siya, naka-disguise lang yata kaya mali ang nakikilala ko.
Well, bakit naman kasi 'di na lang ako i-inform nitong si mystery Calyx ko kung sino siya para naman ma-meet up ko na siya ng tuluyan! Gusto ko lang naman ng happy ending. Pero paano ko naman magagawa 'yon kung wala iyong leading man ko?
It's worthless right?
Yeah! I know too. I know the feels!
Anyways, let's go back to my story. So ayun nga, nandito ako sa bar, sitting pretty lang malapit sa dance floor, umiinom ng ladies drink habang pinagmamasdan ang mga hipong nagkalat sa lugar na ito. Malakas ang tugtugin na nagpapadagundong sa buong lugar kasabay ng pag-indak ng mga hinayupak na ang kakapal ng doodle sa mukha.
Pero pake ko naman? Si Mr.Calyx ng buhay ko ang hanap ko ngayon, tomorrow and forever. Kumbaga, wanted siya sa puso ko.
Sweet ko shems.
Kusang ngumiti ang mapupula kong mga labi kasabay ng paghawi ng buhok ko sa aking tainga. Kinindatan kasi ako ng gwapong nilalang sa isang table kaya kusa akong kumilos papalapit rito. Nakipagkilala, nagkabiruan at nagkaharutan. 'Dun naman talaga mapupunta ang usapan lagi at alam kong maya-maya ay magkaka-developan na kami.
Sa bilis ng pangyayari, 'di ko namalayang ang mga kamay namin ay kusa nang kumikilos sa ibabaw ng aming kasuotan. Inamoy-amoy ang leeg ko habang binubulungan ako ng mga nakakaakit na salita. Hindi rin ako nagpatalo at finally ay binulungan ko ito at kinagat ang tainga.
Muli akong nagulat sa bilis ng pangyayari. Para itong natauhan at mabilis na humiwalay sa akin, saglit na tumitig na may halong pagkagulat sa mukha at saka mabilis na umalis nang hindi ako nililingon. Nangunot-noo ako sa inakto nito at napanguso.
"Ganda ko masyado para takbuhan. Kapal ng mukha. Malasin ka sana." Nasabi ko na may halong pagka-inis.
Bokya na naman ang beauty ko!
Napatungga ako sa iniinom ng umalis na lalaki at inis na binagsak ito. Mapait akong napadighay at tinarayan ang babaeng napalingon sa gawi ko.
Nakakainit-ulo. Tinalo ko pa 'yung nakipagbreak-up sa jowa at ako 'yung iniwan. Alam ba nilang ang hot ko at 'di kami bagay?
Siguro nga. Talagang pinagtagpo lang pero 'di tinadhana. Ganun naman nakikita ko sa mga palabas. Kailangan ng kaunting lungkot bago makita si 'Da One. Pero ayoko naman na echoserang frog lang ang mukha ng leading man ko. Pa'no ba naman?
Ang kaunti ng mga papabols.
Again, napabuntong-hininga na lang ako together with a pout of my sexy lips.
Kaunti na nga lang, mga taken pa. Sino ba naman ang hindi magda-drama kung wala kang papa na makita? Nakakainit-ulo times two. My gosh, ayoko pang magka-wrinkles.
Napatingin ako sa mamahalin kong pink phone at tinignan ang oras. Ala-una pa lang pero bakante ako. Ano mapapala ko sa mga mukhang bisugong nilalang? Wala kaya uuwi na lang ako at least may beauty rest. Magpapaganda na lang ng husto para kay Calyx ko.
BINABASA MO ANG
Desire to Taste You
LosoweCERTIFIED PROFESSIONAL TAMBAY SLASH GANDANG DYOSA NG SAN ISIDRO. Muli, nag-aabang kay Calyx ko at gumagawa ng kwentong ako ang bida at siya ang one and only leading man ko. Samahan niyo akong subaybayan ang pang-aakit ko sa destiny kong mabilis pa s...