Secret

57 0 0
                                    

Kung meron mang makakabasa nito sa magustuhan niyo ang pinakauna kong nagawang story. 

May dalawang magkaibigan, ang pangalan nila ay Brandon at Chloe. Sila ay magbestfriends na magkapitbahay, kaya naman hindi nagiging mahirap para sa kanilang dalawa na magkita at magkasabay tuwing papasok sa school na pareho nilang pinapasukan. Walang araw ka na makikita na hindi magkasama ang dalawa at nariyan sila lagi sa upang damayan ang isa't isa kapag sila ay may problema. 

Isang araw, nagkukwentuhan ang dalawang magkaibagan nang biglang may naalala si Chloe at bigla siyang nagatnong kay Brandon.

Brandon! Brandon ! Teka teka lang muna, Naalala mo pa ba yung simula ng pagiging magkaibigan natin ???

Oo naman Chloe, Bakit ko naman yun kaagad na makakalimutan ? Eh di ba, yun nga yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko kase nagkaroon ako ng isang kaibigan na nasa kanya na ang lahat ng mga katangian ng isang tunay na kaibigan.

Wow naman Brandon natouch naman ako. Pareho lang naman tayo dahilan kung bakit ikaw ang naging bestfriend ko kasi ikaw lang naman yung laging nandyan tuwing kailangan kita. Salamat.

Walang anuman Chloe, Basta tandaan mo lang lagi, handa akong tumulong sayo lagi.

Maraming salamat Brandon isa ka talagang tunay na kaibigan. Alam mo ba na meron akong sekreto na hindi ko pa nasasabe sayo?

Anu yun Chloe ? Excited na akong malaman kung anu yun.

Hahaha.  SECRET !!! Wag kang mag-alala masasabi ko din yun sayo balang araw.

Ang daya !!!!!!!!

HAHAHAHAHAHA.

Makaraan ang ilang buwan, napapadalas na lagi na hindi na laging magkasa sina Brandon at Chloe dahil sa mga kadahilanan na laging may lakad sila ng kanyang nanay pero walang kaalam alam si Brandon kung saan sila pumupunta dahil hindi naman sa kanya sinasabe ni Chloe kung saan.

Kaya naman ay hindi na nakatiis si Brandon na malaman kung saan talaga sila napunta kaya naman sinudan niya ng palihim si Chloe kasama ang kanyang nanay.

At nagulat si Brandon dahil nakita niya na sa Ospital sila pumunta kaya naman patuloy pa rin siya sa pagsunod sa mga ito ng palihim. Hanggang sa pumunta sila sa isang room upang kausapin ang isang doktor, kaya naman nanatili lang sa labas si Brandon at palihim na nakikinig sa kanilang mga pinaguusapan at narinig niya bigla ang pag iyak ng nanay ni Chloe at ang kalungkutan sa mukha ni Chloe pero hindi niya alam ang dahilan dahil hindi niya marinig ang pinaguusapan ng mga ito dahil masyadong mahina ang boses ng mga ito at tsaka nakasarado ang pinto.

Isang araw, papunta na sa bahay ni Chloe si Brandon para bisitahin ang kanyang bestfriend. Pero walang kaalam alam si Chloe na pupunta si Brandon sa bahay nila kaya naman kumatok si Brandon sa pinto at pinapasok siya ng nanay ni Chloe tapos sabi nung nanay ni Chloe na nasa loob ng kwarto si Chloe puntahan mo na lang.

Kaya naman pinuntahan na niya si chloe sa Kwarto.

At nagulat siya sa kanyang nakita dahil nakita niya na mayroong napakadaming pasa ni Chloe, at nagulat din Chloe dahil hindi niya inaasahan na pupunta si Brandon sa bahay nila.

Bakit ang dami mong pasa Chloe? may nang away ba sayo ? sabihin mo at gagantihan ko.  Ang sabi ng nag aalalang kaibigan na si Brandon.

Hindi na kailangan. Matagal na akong may sakit, Leukemia stage 4. Malapit na akong mamatay. mahirap man tanggapin pero ito ang katotohanan. Sabi ni Chloe.

Bakit ka nagkaganyan ? Malusog ka naman eh. Pero bakit kailangang ikaw pa ? Hindi ko ito matatanggap !. Maluha luhang sabi ni Brandon.

Niyakap ni Chloe si Brandon habang umiiyak at sinabing. "Brandon, kailangan mong tanggapin ang katotohanan, kasi kung makikita kitang masaya mas madali para sa akin na iwanan ko ang lahat ng minamahal ko sa buhay. Kaya gusto ko sana na mangako ka sa akin na kapag dumating ang araw na iiwan ko na kayo gusto ko sana na Nakangiti ka at masaya dahil makakaalis din ako ng masaya. Tandaan mo hinding hindi kita makakalimutan dahil ikaw ang bestfriend ko".

Makaraan ang Ilang buwan, Dumating na ang kinatatakutang araw ni Brandon dahil tuluyan nang namatay si Chloe dahil sobra nang malala ang sakit nito. Kaya naman buong puso na lang na tinanggap ni Brandon ang pagkamatay ni Chloe at siya ay tumupad sa pangako.  

Pagkaraan ng ilang araw, may bingay na sulat ang nanay ni Chloe kay Brandon.

at ang nilalaman nito ay...

Dear Brandon,

            Salamat sa lahat ng kabutihan na ibinagay mo sa akin, dahil naiparamdam mo sa akin na espesyal ako para sayo, hindi mo lang alam kung gaano ako naging masaya nang maging kaibigan kita, Hindi hinding ko makakalimutan ang lahat lahat ng mga magagandang alala kasama ka. Pasencya ka na ha, kung hindi ko kaagad na nasabe sayo na may sakit ako dahil ayokong maging pabigat sayo at ayokong makitang nalulungkot ka, pero salamat sa pagiintindi mo sa akin. Naalala mo ba yung secret na sasabihin ko sayo balang araw ? Ito na yung araw na yun na malalaman mo na iniibig kita ng palihim. Hahahaha. ngayon nasabe ko na yung secret ko sana pangalagaan mo yang mabuti. Salamat sa lahat lahat.

                                                                                                                         Nagmamahal,

                                                                                                                                  Chloe

Umiiyak Si Brandon habang binabasa ang liham ni chloe para sa kanya at nagkaroon siya ng konting pagsisisi dahil hindi niya rin nasabe kay Chloe na minamahal niya rin ito, Pero okay lang dahil alam niya sa puso't isipan niya na naiparamdam niya kay Chloe ang kanyang pagmamahal.

THE END.

Sana nagustuhan niyo itong 1st story ko. :))

SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon