He's Better Than You - 1

69 2 4
                                    

♪♫  When I try to explain it I be sounding insane the words don't ever come out right. I get all tounge tide and twisted I can't explain what I'm feeling and I say baby, baby, baby, baby I. Oh baby, oh baby, ~♪♫

[Baby I - Ariana Grande ♪♫ ]

"Haaaaayyyyy.."

Alarm ko yon wag kang ano :P

"Be?" tanong saken ni mommy habang papunta sa kwarto ko.

"Iha, maligo ka na papasok ka na maya maya oh kailangan maganda ka ulet."

"Ma, lagi naman akong maganda." hahaha sorry na.

"Ang hangin Bree! Hahahahaha. Oy, kumilos ka na jan para pagkatapos mong maligo, kumain ka na. Okay? Sige. Alis na muna ako. Sumunod ka na lang dun pagkatapos mo ha?"

"Sige ma."

Pumunta ako sa banyo atsaka naligo. Pagkatapos maligo, dumerecho ako sa kusina at tinulungang mag ayos si mommy.

"Nako, nak wag na. Umupo ka na lang don antayin mo na lang ako."

"Sigurado ka ma ha? Ano na lang pwede kong gawin?"

"Ang kulit. Haha. Sabe ko, umupo ka na lang don. Yun lang gagawin mo. Okay na ba yun? Haha." nakangiting sabe niya sakin

"Sige na nga po." 

First day of classes ngayon. Excited? Ako? Oo naman noh.

"Nak, galingan mo ulit ngayong school year ha? Wag na wag mo akong ipapahiya kina Tita Fiona."

"A-ah o-oo naman po ma." 

~BRIZK BRIZK BRIZK~

ONE NEW MESSGE

From: Alexa

Girls, otw na 'ko. Kitakits na lang. Ingat kayo. Labyu all. Mwah :*

GM - Queens

"Aah, ma. Una na po ako. Papunta na daw sina Alexa eh. Love you ma. Ingat ka dito ha?" at mabilis akong tumayo sa upuan ko at humalik sa pisngi ni mommy.

"Ingat ka rin ha?" 

TO: [Queens] Alexa, Viana

Otw na din ako. See you bitches :*

~SENT~

Ako nga pala si Bree. Aubree Grace Salazar. Bree tawag sakin ng karamihan. 15 years old at 3rd year high school ako ngayong taon. Hindi kami mayaman. Si mommy, isang katulong. Isang katulong sa napakayaman at ubod ng bait na pamilya. Ito ang pamilya nina Tita Fiona. 20 years na si mommy sa kanila kaya naman para narin nila kaming kamag-anak. Sobrang bait nila sa'min. Sila ang nagpatayo ng bahay namin. Hindi 'to kalakihan hindi rin naman sobrang liit. Sila nga rin ang nagpapaaral sakin dito sa Santos University eh. Isa sa pinaka sikat na eskwelahan dito sa lugar namen.

Santos University. Inilipat ako nina Tita Fiona dito nung nakaraang taon. Lumipat kase sila ng bahay eh edi shempre, kasama din kame ni mommy. Dito sa SU ko nakilala ang mga kaibigan ko. Tinawag ang grupo namin bilang "Queens" kami kase yung PINAKA sikat na grupo ng babae dito sa SU. Mayayaman tong mga kaibigan ko pero hindi sila yung mga tipong bawat minuto eh diredirechong nag-eenglish at hindi din naman sila yung tipong mahilig gumamit ng mga kotse para pumasok. Hindi nila alam na mahirap lang ako. Hindi nila alam na katulong lang ang nanay ko. Hindi nila alam na hindi ko kadugo ang nagpapaaral sa akin. Aaminin ko, kahit na muka silang mga simple sa description ko, hindi magaganda ang ugali nila. 

Kaya nga sikat ang grupo namin sa school eh. 

Pagkababa ko ng jeep ~

"Hi Breeeeeeee! Namiss kitaaa sagad! Alamoyun?" salubong sakin ni Alexa 

"HAHAHA! Namiss din kita Alexa! Asan na si Viana?"

"Padating na din daw eh. Oh, ayan na pala siya oh." turo niya sa likuran ko

"Hi girls! Eto na ako oh. Namiss ko kayo sobra!" sabe ni Viana at nakipagbeso sa aming dalawa "Tara, pumasok na tayo." at nauna siyang naglakad habang nasa likuran naman kame. Nakangiting sinusundan siya.

Lahat ng mga nakaharang sa dinadaanan namin ay kusang tumatabi. Lahat ng mga transferee lalo na yung mga lalaki ay natutulala at napapanga sa amin samantalang yung mga old students naman, hindi tumitingin sa amin ng mata sa mata at halatang kinakabahan sila. 

"Hi gerls." malalim na bati sa amin ni Theo.

Si Theo ang pinaka "leader" ng grupo ng mga lalaking pinaka close namin. At tulad namin, sobrang popular din nila hindi lang dahil sa gwapo sila kundi dahil din sa kaastigan nila. Ito ang grupo nina Theo, Ervin at...

GREGG.

Si Gregg ang pinapantasya ko magmula't sapul. Siya yung lalaking super duper crush ko magmula nung pumasok ako dito sa SU. 

He's Better Than YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon