Popular Girl meets Popular Boy

76 0 0
                                    

--ALL RIGHTS RESERVED--

Story was originally made by: Bianca Lei

DON'T BE AN IDIOT TO COPY.

Prologue

Pag nag-artista, hindi lahat ng bagay madali ng gawin.

Mahirap ulit maging normal (hoy baka ang iniisip niyo abnormal ako, patapusin niyo muna kasi ako).. Mahirap maging normal sapagkat bawat kilos mo, bawat salitang sasabihin mo tatandaan nila yan, kukunan nila yan ng picture o di kaya susundan ka nila kung saan-saan. hashtag Paparazzi and Fans 

Ako nga pala si Lisa Santos, sapilitang ipinasok ng daddy ko sa pag-aartista kasi artista din daddy ko.

This month lumabas yung unang movie ko na "Infinite".

Medyo boring yung kwento nun kaya skip tayo dun hahaha

O siya i-scroll niyo na..andami ko pang daldal haaayyy daldal ko talaga.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hindi simple pumuntang mall, Lisa" sabi ng manager kong napaka-spoilsport,

Ang gusto ko lang naman ay pumunta ng mall para bumuli ng gift para sa birthday ni Mommy kaya lang etong lechugas na manager ko ayaw akong payagan.

"Hindi ka pupunta! Ipabili mo nalang sa personal assistant mong si Cara" sabi ulit ni manager..bigla naman akong napatingin sa personal assistant ko. "Eh paano kung ayaw ko, and tsaka nanay ko ang bibilhan ko kasi birthday niya next week, mas maganda ko ako mismo ang bibili para may effort, hindi yung kung sino-sinu lang" sabi ko sa manager kong ubod ng KJ.

"Hindi nga pwede Lisa, maslalo na kalalabas lang ng movie niyo nila Carlo at Sarah" sabi ulit ni manager na muhkang nakukulitan na sakin, "At hindi lang yun! Remember nung nag mall show kayo last week halos magka-stampede, baka gusto mo aber mangyari yun pag pumunta ka ng mall ngayon" pahabol na sinabi ni manager habang ako ay papasakay na sa van.

"Hay, basta kahit anong pigil mo sa akin..aalis ako!" mabilis kong sinabi sapagkat isinasara ko na yung pintuan ng van.

"LIIIIIISAAAAAAAA!!!" "BUMALIK KA DITO""ITIGIL MO YUNG SASAKYAN!!" sigaw ni manager sa akin..

Hello!! Itigil daw yung sasakyan FYI hindi naman ako yung nag ddrive eh. Sira ulo tong manager na to...

Popular Girl meets Popular BoyWhere stories live. Discover now