Love Affair no. 2

138K 2.1K 21
                                    

"Ate!" Ito agad ang sumalubong sakin pag kabukas na pag kabukas ko ng gate. Niyakap agad ako ng dalawa kong kapatid.

"Teka, Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko habang hindi pa din inaalis ang pagkakayakap sa kanila. Namiss ko tong dalawang to.

"Dinadalaw ka ate.  Hindi mo ba kami namimiss?" May halong pagtatampo na sabi ni Aldwin. Ang pangalawa sa aming magkakapatid.

"Ito kasing si Biboy palaging nagmumukmok. Miss na miss ka na daw nya." Pagpapatuloy pa ni Aldwin at ginulo pa ang buhok ni biboy. Napakunot naman ito habang inaayos ang nagulo nyang buhok. Hindi ko maiwasang matawa sa naging reaksyon nya.

Umupo ako para mapantayan ang bunso kong kapatid. "Totoo ba yun bunso?" Sabi ko at kinurot ang ilong nito.  Nakita ko naman na parang napipikon na ito kaya hindi na namin napigilan ang pagtawa.

Pagkatapos noon ay ipinapasok ko sila sa bahay. Dinala ko sila sa likod ng mansyon. Dito namin dinadala ang mga bumibisita samin dahil mahigpit na ipinagbabawal ni Ma'am ang pagpapasok sa Mansyon nila ng mga hindi kakilala. Naiinindihan ko naman sila. Dito din kami natutulog. Hindi kalakihan ang bahay na ito ngunit sapat lang para saming mga kasambahay. Lima ang kwarto dito. Magkasama sa kwarto ang kambal na sina Jupiter at Venus. Sa katabing kwarto naman ay si Mike--- Ang hardinero dito at si Mang Kaloy--- Ang driver ng mga Emralino. Ang katabi naman noon ay ang solong kwarto ni Manang Doray. Ako naman ang gumagamit ng huling kwarto. Solo lang ako doon. Dati ay magkatabi kami ni Manang Doray ngunit simula nang may mangyari samin ni Sir, bumukod na  ako ng kwarto.

"Ate ang laki-laki naman nung bahay. Pag ako nakatapos na ng pag aaral ibibili kita ng ganung bahay. Mas malaki pa dyan tapos titigil ka na sa pagiging katulong. Hindi ka na mahihirapan pa." Gusto Kong maiyak dahil sa sinabi ng bunso ko. Niyakap ko na lang ito at hinalikan ang ulo nito. Napaka matured na nitong magisip. Kahit 10 taon pa lang ito parang 20 anyos na kung magsalita.

"Kamusta na nga pala kayo?" Pag iiba ko ng usapan.

"Ayos lang Ate." Sagot naman ni Aldwin.  Nakapasok na kami sa bahay. Umupo na kami sa may Sala. Tumabi sakin si Aldwin habang kumandong naman itong si Biboy sakin. Napangiti ako ng yakapin ulit ako nito. Napaka lambing na kapatid.

"Bumaba ka nga dyan. Ang laki-laki mo na nagpapakandong ka pa." Suway naman nitong si Aldwin habang pilit na pinaaalis si Biboy sakin.

"Ayos lang." Sabi ko "Namiss ko din naman tong si bunso e"

"Ate may susumbong nga pala ako sayo"

"Kuya!" Awat naman nitong si Biboy

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon