Untitled Part

18 0 0
                                    

Tinignan ko siya sa mga mata niya, tinatantya ko kung seryoso ba talaga siya at sana ay di ko na lang inalam, masyadong malamig tumingin ang mga mata niya. Hindi ko na talaga napigilan ang sunod sunod na pag-agos ng mga luha ko

"Troy, please--ano bang nagawa kong mali? May ugali ba akong di mo nagustuhan?? Please sabihin mo, babaguhin ko naman e. Dont do this to me...."

I tried to reach out for his hands pero agad niyang nilayo ang mga kamay niya

"Shan! Quit being so stupid! Ayoko na nga e diba? What's so hard to understand with that?!"

Napayuko na lang ako, naramdaman ko na tumayo siya ng upuan at umalis na. Gusto ko siyang sundan, pero wala na akong lakas para tanggapin ang mga masasakit na salita na pwede niya pang masabi

Umiyak lang ako ng umiyak sa isang gilid na iyon ng coffee shop kung saan siya madalas maghintay nuong college kami afterclass, malapit lang kasi sa school. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak duon pero nang maramdaman kong kailangan ko na umuwi ay tumayo na ako, hindi ko rin alam kung kaya ko pa ba talaga umuwi ng maayos. Tumingin ako sa relo ko, magte-ten na pala ng gabi

Agad akong tumapat sa pedestrian lane, wala kasing overpass dito. Tatawid na sana ako nang may humigit sa kaliwang braso ko at saka ako itinulak papunta sa sidewalk, masyadong mabilis ang mga pangyayari, I heard the screeching sound of the wheels and the continous blowing of the horns

Before it all turned black

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The fourth day of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon