Megan's POV
Nasa school ako ngayon walang teacher. In short ang boring. Yung iba kong mga kaklase nagcucutting na ata.
Kaya nilabas ko muna yung iPad ko para mag facebook may wifi tong skul namin eh mayaman yata toh haha joke lang xD
Nanahimik lang ako sa isang tabi nang...
"Ay ayos yan, Megan pabukas nga" sabi ni Chandler
Lagi nalang pag nakikita niyang hawak ko yung iPad ko lumalapit siya sakin at sasabihin niya yang linyang yan nababanas na ko. Wala na ba siyang ibang alam sabihin? Medyo nakakaasar na ah!
Kaya 'yon binigay ko na lang kasi nagpuppy eyes na siya ehh, paawa effect! Nakakainlove daw naku! Parang di naman, mukha kayang bakla.
Ako nga pala si Megan Reyes, third year high school na ko, they describe me as mabait, matalino at higit sa lahat MAGANDA! nyahahah Conceited! Oy hindi ah eh sadyang ganyan nila ako idescribe mapipigilan ko ba? mabait ako 'no pero medyo kalog kaya ganyan pag pasensyahan niyo na.
Dami ngang nagpaparamdam ng kanilang motibo sakin eh pero ewan ko ba parang ayaw ng puso ko yuck gumaganun.
"Oh eto, may magagawa ba ko?" sabi ko habng inaabot ko yung iPad.
"Yehey salamat Megan ang bait mo talaga kaya mahal kita eh." sabi niya nagulat ako! Napakaisip bata talaga niya tapos hihiritan pa niya ko ng ganyan. Parang may naramdaman akong kuryente ah. Nakakakilabot naman.
"tigilan mo nga ako sa pambobola mo" sabay irap ko.
"Hahaha oo joke lang naman eh. Naniwala ka naman agad" Tapos pa kumindat pa siya oh feelingero kupal ka ah.
Siya nga pala si Chandler Fernandez, top 1 namin, dati ako yung nandyan eh bigla siyang umepal napasok dito sa section naming bukod sa nilamangan niya ko sa top lagi niyang sinisira yung araw ko as in araw araw talaga gusto niyo example? oh tingnan niyo.
[8:33 at canteen #1]
"Megan! Pabukas naman oh"
Pinapabukas niya sakin yung martys cracklings niya eh kaya naman niyang buksan. Nung binuksan ko sumabog sakin nagkalat yung tsitsirya sa uniform ko. Nasa canteen kami nun naka-upo sa isang table, nagtinginan sakin yung ibang estudayante kasi bongga yung pagka putok eh.tapos tinawanan nila ako!
"Shems..." yun nalang nasabi ko, tapos siya ayon tawa ng tawa ang kumag.
"Nakakainis ka! Sinadya mo yun 'no!?" tinapon ko sa kanya yung balot ng martys.
"Oy hindi ah. Hahaha" pinipigil niya yung tawa niya, kinuha niya yung panyo niya sa bulsa niya. ibibigay niya ata naku kakakilig toh pero pakipot muna.
"No need, kaya ko na 'to" sabi ko habang pinapagpag ko yung uniform ko.
"Ha? Anong problema mo?"
"Alam kong. Ipapampunas mo sakin yung panyo mo 'no pero sorry kaya ko na sarili ko" sabi ko habang nakataas yung isa kong kilay. Ayan more pakipot pa Megan.
"Hahaha. Nababahing na kasi ako, kaya nilabas ko 'to. Feeling kana man dyan hahaha!" ang lakas na ng tawa talaga niya, bakit ba ko nakipag sabay mag break time dito. Lalong nagtinginan yung mga chismosa samin. bwisit yan umasa pa naman ako argghhh! Ayan ha Megan kala mo kakaganda mo pag iinarte mo.
Pucha yan pahiya ako dun. Nagwalk out nalang ako.
Back to reality. Ayan hawak hawak niya na yung iPad ko hindi naman kasi ako madamot na babae 'no.
BINABASA MO ANG
Pabukas Nga! (one shot)
Short StoryPaano mo malalaman yung sagot sa mga tanong mo kung hindi mo siya tatanungin? Dahil lang ba natatakot ka na gawin na nanaman niyang biro? eh kung paano kung isang linya niya na lagi niyang sinasabi eh may ibig sabihin talaga na malalim! "Pabukas nga...