Chapter 1.

544 18 6
                                    

A/N: As requested by Paralumannn, here it is. Pero medyo intro pa lang. (SHIT SHIT MAG SI-SERIES ULIT SI LEKRISTAGUSTA?!) Hindi ako sanay gumawa ng ganitong klaseng mga adventure series at dahil tamad ako, naisip ko na lang na gawing setting 'yung sa Left 4 Dead na video game since magandang setting 'yun para sa isang zombie apocalypse. Don't worry, bukod sa setting at kinds ng zombies, wala na akong kinuhang iba sa game na 'yun kaya hindi ito fanfiction. All rights for the setting and the zombies are credited to the developers of L4D. Characters and other shit are mine. Please enjoy.

---

Chapter 1.

Nagsimulang mangyari 'yun nung nasa klase ako. Boring 'yung prof. Nagtuturo ng Statistics, wala naman akong maintindihan. Kalahati na yata ng lecture class e tulog. Sa totoo lang, medyo interesting 'yung mga tinuturo niya pero nakakaboring talaga.

Patulog na 'ko nun, nang biglang may tatlong taong pumasok sa room. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa kasi na-interrupt 'yung klase o dapat ba akong mangamba kasi nagkatotoo yata 'yung mga video games na nilalaro ko. 'Yung tatlong tao na pumasok sa room bigla na lang umatake ng ibang mga estudyante. Nagsimula silang manglapa ng iba na parang mga cannibals. Kahit lalaki ako sobrang nandiri ako. Sa sobrang panic ng iba, nagtakbuhan, naglabasan, at nagsigawan silang lahat. Pati ako nakigaya. 'Di ko ikakailang sobrang natakot ako. Habang tumatakbo ako palabas ng kwarto, nakita kong biglang dumami 'yung mala-zombie na mga tao sa paligid. Ang papangit ng mga itsura. Nakaluwa ang mga dila, punung-puno ng laway, dugo at pawis ang mga katawan nila tapos ang babaho pa. Mukha rin silang na-aagnas na ewan.

Tumakbo ako papunta sa dorm na tinutuluyan ko. Kitang-kita ko 'yung ibang mga tindahan sa labas ng building namin e puro nasusunog na at nagkakagulo ang mga tao. Pumasok ako sa kwarto ko at 'di na nagdalawang-isip na mag-impake ng mga gamit. Hindi na siguro muna ako makakabalik dito. 'Yun ang nasa isip ko. Pagkatapos kong mag-impake, lumabas ako agad-agad ng kwarto nang may mabangga ako. Si Rex, dormmate ko. May dala-dala siyang mga gamit, pagod na pagod at parang mangiyak-ngiyak na.

"Pare! Katapusan na natin!" pasigaw niyang sabi sa 'kin.

"Anong sinasabi mo? Alam kong nagkakagulo ngayon pero--"

"Pare! Makinig ka sa 'kin! Zombie apocalypse na 'to! Totoo 'yung balita nung isang araw!"

Balita nung isang araw? A, may balita nga nung isang araw tungkol sa zombie apocalypse na pwedeng mangyari. Nagkaroon ng  flu outbreak daw na kumakalat ngayon sa ibang bansa. 'Yung mga biktima ng flu na 'yun umaaktong zombies daw. Kumakain ng ibang tao, at ang masama pa e, mga utak ng tao ang habol nila. Ang sabi naman ng mga scientists e dapat walang ipangamba at hoax lang daw 'yun. Pero sa nangyayari ngayon, hindi na yata 'yun hoax. At nakarating pa dito sa Pinas.

"Pare ano ba?! Tara na!" sabi ni Rex.

"San tayo pupunta?"

Alam kong walang-kwentang tanong 'yun pero tinanong ko pa din.

"Sa kabilang barangay! May nakapagsabi sa 'kin na may evacuation center daw dun at may mga sundalo na! Tara na!"

Nagmadali kaming tumakbo papunta sa evacuation center na sinasabi ni Rex. Medyo magulo pa ang isip ko. Hindi ko akalain na magkakaroon ng ganitong klaseng outbreak. Mamamatay na ba ako? Ang pamilya ko kaya? Katapusan na ba ng mundo?

"Pare! Sa likod mo!" sigaw sa 'kin ni Rex.

Bigla akong bumalik sa reality. Tumingin ako sa likod ko. May tatlong zombies na humahabol sa 'min. Tinignan ko saglit si Rex. Humahagulgol na siya, mukhang takot na takot. Sinabihan ko siya na bumilis lalo ang takbo. Tumingin ako sa paligid ko habang tumatakbo. Sakto, may tubo akong nakita sa may gilid ng kalsada. Galing yata sa mga water pipes sa water district na malapit dito sa may school namin. Tumigil ako at kinuha ko agad 'yun.

"Anong ginagawa mo?!" sinigawan ulit ako ni Rex.

"Tumahimik ka diyan at sundan mo na lang ako!"

Hinarap ko ang tatlong zombies na papalapit sa 'min. Sinunod ni Rex ang utos ko. Kumuha din siya ng tubo at tumabi sa 'kin.

"Anong gagawin natin pagkatapos?" hagulgol ni Rex.

Hinintay kong makalapit 'yung mga zombies hanggang sa isang dipa na lang ang layo nila sa 'min. Pinaghahampas ko sila ng tubo hanggang sa mapatumba sila. Sinundan ni Rex ang ginawa ko. Nagpatuloy kami sa paghampas hanggang sa makita naming mukhang basag na basag na ang mga bungo ng mga 'to. Nagsilabasan ang kung anong nakakadiring dapat lumabas sa mga zombie. Gutay ang mga laman nila at lawit ang kung anong nakalawit.

Tinignan ko si Rex. Pagod na pagod at mukhang takot. Pero tumigil na siya sa paghagulgol. Napagdesisyunan naming kumuha pa ng mga spare na mga tubo para kung sakaling aatakihin ulit kami e may panglaban kami.

"Walang kwenta 'tong ginagawa natin," sabi ko sa kanya.

Tumigil muna kami sa isang maliit na drugstore. Nag-lock kami ng kung anong dapat i-lock at naglagay ng pang-barikada sa kahit anong pasukan at labasan.

"Anong walang kwenta?" tanong ni Rex habang naghahabol ng hininga.

"Ilang milyong taon pa ang dadaan bago tayo makarating sa kabilang barangay. Kung sakali man, patay na tayo nun."

"Bullshit! 'Di pwede 'yun! Ikaw 'yung matalino pare! Gawa ka ng paraan! Gusto ko pang mabuhay!"

Tama siya. Gusto ko pa ding mabuhay. Kaya nag-isip ko. Walang pa yatang limang segundo, naisip kong gumamit ng sasakyan. Napakabobo ko naman at 'di ko agad naisip 'yun. Kaya bago kami umalis, kumuha kami ng mga supplies sa drugstore. Mga pang-first aid at madaming bote ng tubig. Walang pagkain pero siguro naman marami na nun sa kabilang barangay. Pagkatapos nun, dali-dali kaming umalis.

Buti na lang katapat ng drugstore e isang parking lot. Parehas kaming walang experience pagdating sa pagnanakaw ng kotse kaya pagkatapos naming makapili ng maayos na sasakyan at piliting buksan 'yun, parehas kaming parang nawalan ng pag-asa.

"Pare, ayoko pang mamatay...ayoko pang mamatay." Nagsimula na namang humagulgol si Rex.

"Pwede ba pare, tumahimik ka muna?! Nag-iisip ako. Ngayon, nasa loob na tayo ng kotse. Wala masyadong tao dito kaya pasalamat tayo. Kaya kung pwede ba tumahimik ka muna baka maka-attract ng mga zombies 'yang iyak mo?!"

Biglang tumahimik si Rex. Lumabas siya ng kotse habang hawak 'yung tubo niya. Nag-presinta siyang magbantay na lang sa labas habang iniisip ko kung paano pagaganahin 'tong kotse.

Alam ko kung pa'no 'to e. Nakikita ko 'to sa mga pelikula. Kunin lang 'tong wire na 'to, tapos...

"Aray!" napasigaw ako. Biglang tumakbo sa 'kin si Rex.

"Anong problema, p're?" tanong niya.

"Shit, napagana ko 'yung kotse."

Buti na lang may lisensya na 'ko. Kahit student license lang. Basta marunong ako mag-drive. Binilisan ko ang takbo ng sasakyan habang tinuturo ni Rex ang daan. May mga zombies na nagpupumilit kaming harangan pero buti na lang at naka-kotse kami kaya halos walang problema. Nakarating kami sa kabilang barangay. Isang gymnasium pala ang sinasabing evacuation center. Pero walang mga sundalo. Walang mga tao sa paligid. Medyo natakot kaming parehas ni Rex kasi baka mamaya paglabas namin ng kotse e may bigla na lang lumapa sa 'min na zombie.

Kaya habang dala-dala ang gamit namin at ang pinagkakatiwalaang mga tubo, dahan-dahan kaming lumabas ng sasakyan. Wala namang umaatake sa 'min. Nagpatuloy kami sa loob ng gymnasium.

Sabay namin na binuksan ang pinto. Pero pagkapasok namin, may mga baril agad na nakatutok sa 'min. Nabitawan namin ni Rex ang mga tubong hawak namin. Hawak-hawak ng tatlong lalaki ang tatlong baril, at 'yung isa galing sa isang babae.

"Sino kayo?!" tanong nung babae.

---

A/N: Comments are deeply appreciated. I had a tough time writing this since it's my first time writing an apocalyptic story. I need suggestions! At anong mas maganda: itutuloy ko ba 'to as first-person pov or second-person? Ayun lang! Expect more to come! PS. Ang haba ng author's note ko, I know.

'Di naman nakakatakot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon