Yamot

11 0 0
                                    

araw-araw 'kaw ay nasa gunam-gunam,

araw, gabi tila'y wala nang hangganan,

kailan ba titigil ang aking isipan?

mga alaalang dapat nang iwasan.

nayayamotako ng dahil sa iyo,

gumugulo ang aking isip at mundo,

d' ko batid kung kailan mahihinto,

damdamin ko sayo'y tila litung-lito.

wari yata ako'y nabaliw na sa'yo,

damdamin ko'y sapilitang iniwasto,

pinili na lang hayaan kang lumayo,

nang matahimik ang payapa mong mundo.

ang aking puso ngayon ay nalulumbay,

nananabik ngunit lubusang matamlay,

kailan kaya muling magiging masikhayo?

buhay kong dahil sayo'y nanlulupaypay.

aking pag-irog sana minsa'y pansinin,

matang napakamailap sa pagtingin,

huwag sana sumuko aking saloobin,

at nang ako naman ang 'yong pasiyahin.

YamotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon