Rain Louise Hererra's Point of View
"Louise! Sasama ka ba ngayon sa SM North?" Tanong ni Jammie. Ilang segundo muna bago ako sumagot dahil busy ako sa pag aayos sa locker ko, nang matapos ko ang ginagawa ko tumingin ako sakanila.
"Uhm, pagiisipan ko."
"Ngayon na nga tayo aalis, lutang ka ba?" Napatingin ako sakanila at ginalaw galaw ang nguso ko na tila ba'y nagiisip ako.
"Hindi nalang." Sabi ko. Hinablot ko na ang bag ko pati narin ang portfolio ko at dire-diretsong naglakad palabas ng room. Narinig ko naman ang yabag ng paa nilang tatlo na sumusunod sa akin.
"Oh cmon! Ngayon na nga lang ulit tayo aalis eh." Nakangusong sabi ni Jessie na ngayon ay nasa tabi ko na pati narin si Riccie.
Magkakarhyme ba ang pangalan nila? Triplets kasi sila. Sobra talaga silang magkakamukha, nunal nalang ang tangi kong palatandaan sakanila. Si Jamie, nasa left side ng mata. Si Jessie na sa left side ng lips at si Riccie at nasa center ng bridge ng ilong niya. Ang cool nila. Pero hindi ko masikmura bakit nagkaroon ako ng napakadaldal na kabigan, hindi lang isa at tatlo pa! Magkakamukha pa! Jusmiyo.
"Hind pwede. Day off kaya ni papa ngayon." sabi ko sakanila.
Sa huli, napapayag ko na sila na next time nalang. Minsan nalang mag day off si papa, 1st year college narin kasi ako kaya dapat doble kayod siya. Alam kong tanong niyo sa isip niyo bakit papa ko lang? Wala na kasi si Mama. 3 years ago palang. Gusto ko rin bigyang ng regalo si papa dahil malapit na ang birthday niya, kahit polo lang. Kaso wala pa sa 500 hundred ang naiipon ko. Hirap mag ipon, lalo na pag gutom.
Habang naglalakad ako dito sa street namin, hindi ko maiwasan magtaka. Natatanaw ko na kasi ang gate namin at ang daming tao dun. Ano kayang meron? Nanlaki ang mata ko at napatakbo papunta sa madaming tao. Bigla akong kinabahan.
Hinawi ko yung mga lalaki, at nakahinga ako ng maluwag ng nakita ko si Papa na nasa harapan ko. Kala ko kung ano na ang nangyari.
"Papa, anong nangyayari?" Tanong ko sakanya habang yakap yakap ko siya patagilid. Kinuskos naman niya ang buhok ko gamit ang palad niya.
"Sige na, sa susunod na natin 'to paguusapan." Sabi ni papa, tumango naman yung mga lalaking parang construction workers.
Pumasok na si papa sa loob ng bahay at sumunod nalang ako sakanya. Umupo naman siya sa upuan habang minamasahe yung noo niya. Ano ba ang problema?
"Papa, may problema ba?" Umupo ako sa tabi niya.
"Louise anak, may mga pumunta kasi mga lalaki dito. Parte sa gobyerno yun, gusto nilang idemolish 'tong street natin."
"What? Hindi pwede! Bakit papa? Paano? Akala ko ba nabili na ni Mama 'tong lupa? Ito na nga lang ang tanging alaala, Pa naman. " Agad kong nilapag ang bag ko sa tabi niya kasabay ng pag kakaupo ko.
"Hindi na naituloy yun Louisse simula nung nangyari yung aksidente." Humina ang boses ni papa sa mga huling katagang sinabi niya.
It's been 3 years ago, pero hindi parin kami nakaka move on sa nangyari.
"Meron pa bang ibang paraan pa?"
"Meron. Pero mukhang mahihirapan tayo." Napatingin ako sakanya at parang nabagabag sa sinabi niya.
Pero hindi. Gagawin at gagawin ko yun.
"Pa, kahit ano basta para kay Mama."
**
Nandito ako sa tapat ng Dela Fuente Residence.
Sabi sa akin na Papa, mula daw sa isang mataas na pamilya ang nag mamayari ng lupa na tinitirhan namin. At kailangan namin makakuha ng power of attorney na may pirma nila. Kaso ang problema,parehas naming hindi alam kung buhay pa ba si Don Dela Fuente kuno.
At kung sakali daw, pwede naman kami humingi ng tulong sa apo ni Don Dela Fuente.
"Ano pong maipaglilingkod namin?" Tanong ng isa sa mga gwardya dito.
Isa lang ang masasabi ko, napakalaki nito. Labas palang, napakalaking gate na ang bubungad sayo. May mahaba pang daan na sa tingin ko papunta na sa mismong mansion.
"Gusto ko lang po sana makausap ang apo ni Don Dela Fuente." Sabi ko habang papalapit ako sa malaki at mataas na gate.
"Para saan?"
"About lang sa lupa na tinitirhan namin." Sagot ko. Ang tsismosa naman ni'to.
"Naku, tamang tama ang punta mo. Parating na si Sir Cloud galing states." Sabi ng isang guard.
"Kaso maghintay ka muna jan, hindi pwede pumasok dito hanggat walang permiso sa mga Dela Fuente."
Tumango nalang ako at naghintay sa pinakamalapit na puno na nandidito. Dumantay muna ako dito, napatingin ako sa kalangitan.
Mukhang nagbabadya ang panahon.
Hindi nga ako nagkakamali, bumuhos nanaman ang ulan. Ulan na may kagagawan ng lahat.
-
Madrama ba masyado? Umpisa lang yan! Abangan niyo ang mga susunod na chapter!
Pag malapit na matapos ang isa kong story, saka ko na ulit 'to iuupdate!
Try to read my story, Last Wish.
BINABASA MO ANG
Falling of Rain (SOON)
Teen FictionHer name is Rain. She hates rain. His name is Cloud. He loves Rain. If there's no CLOUDS, there will be no RAIN. Will Rain and Cloud would fall for each other? |2014|