8:22 PM.
"Sir! May emergency tayo...! Nagparamdam na naman sya, Sir!" isang natatarantang sigaw mula sa isa sa mga tauhan ko ang nagpabalik sa akin sa ulirat.
"Boys, get ready! It's going to be a long night...!" ang sigaw ko naman sa lahat ng mga bata ko sa loob ng opisina.
Dali-dali akong tumayo mula sa table ko pagkatapos na mai-report sa akin ang isa na namang insidente. Hindi ko na magagawang ubusin ang isang malaking pack ng 'Piattos' na hapunan ko sana ngayon. Nakadalawang lagok lang ako ng pag-inom mula sa isang 'Coke in can'. Kinuha ko mula sa drawer ang kargadong KM .45 Tactical handgun ko, at agad tumakbo patungo sa kotse.
"Makikita na kita ngayon, sigurado ako," ang nasabi ko sa sarili ko. Malakas ang kutob ko, ito na ang gabing 'yon.
Sya nga pala, ako si SPO3 Doroteo Panganiban, 26 anyos - ang pinakabata, pinaka-astig at pinaka-gwapong naging SPO3 sa mundo ng PNP. Dati akong si "Agent Delta Phi" noong nasa NBI ako, at mas kilala ngayon sa tawag na "Sir Doro" ng mga tauhan ko. May mga tumatawag din sa akin na "Ini-Doro", pero lahat sila ngayon, patay na, pinagbabaril ko na silang lahat sa ulo (joke lang, mga kababata ko yung tumatawag ng ganun).
Habang bumibyahe ang sasakyan namin patungo sa lugar ng krimen, hindi matuklap ang tingin ko sa labas ng bintana. May kung anong excitement at kaba ang lumulukob ngayon sa buong katawan ko. Lagi na lang ganito... Sa tuwing mangyayari ang ganito, 'di ko mapigilang isipin ang nakaraan.
Nagsimula ang lahat nang ibigay sa akin ang isang special assignment - isang walang kamatayang kaso ng serial killing na matagal ding naipagsigawan ng media sa publiko, mapa-radyo, tabloid at TV man, na dahilan para ikatakot at ikapanginig ng tuhod ng mga kalalakihang nagsasabing macho sila at habulin sila ng mga babae.
Pinapatay ng misteryosong taong ito ang sinumang lalaki na malalaman niyang playboy, two-timer, babaero, polygamous, maraming kulasisi at mga anak sa labas. Sa madaling salita - isa siyang magiting na MAN-HATER, na kilala at kinatakutan ng lipunan sa bansag na "Miss C."
Walang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao, o maging sa itsura niya. Maski ako hindi ko alam. Tanging mga orthographic sketches lang ang meron ako, na pare-parehong hindi magandang batayan. Kakatingin ko dito, nakabisado ko na ang bikas ng kanyang pagmumukha.
May signature kill si "Miss C." kaya alam na kaagad na siya ang may gawa. Lahat ng mga biktima niya, may gilit sa leeg at wala nang saplot pang-ibaba - at ang kagimbal-gimbal doon, putol na rin ang natatanging "kaligayahan" nila sa mundo... or sabihin na lang nating wala na ang kanilang "Instrumento sa Pagtataguyod ng Susunod na Henerasyon".
Kung anuman ang ginagawa nya sa mga longganisa at Vienna sausage na pinuputol niya mula sa mga biktima niya, hindi ko alam - at hindi ko malalaman hangga't 'di namin sya nahuhuli nang buhay.
Tinutukan kong mabuti ang kasong ito sa loob ng halos isang taon. Antagal kitang hinanap, kung saan-saan ako nakarating para lang makita ka. Maraming gusot at aberya na ang dinanas ko mahuli lang kita... Balang-araw, magkikita rin tayo... at alam kong ngayon na ang araw na yon, "Miss C."
...pero kakaiba talaga ang gabing ito. Pakiramdam ko, may iba pang magandang mangyayari bukod dito...
8:34 PM. Narating namin ang scene of the crime. "Just what I'm expecting to see..."
Nasa lugar na ang mga tauhan ng SOCO para imbestigahan ang bangkay ng biktima. At narito kami dahil sa report na nasa paligid pa rin daw ang suspect at nagtatago kung saan. Nakabakuran na ang mga yellow tapes at na-clear na rin ang mga nag-uusisang tao. Sinimulan ko na ring ipakalat ang lahat ng mga tauhan ko sa iba't-ibang sulok ng lugar na yon para mahanap ang kriminal, at ako na ang bahala sa pakikipag-usap sa mga potential witnesses.
Nasa kagitnaan ako ng pagtatanong sa mga tao doon, nang mangyari ang hindi namin inaasahan.
BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMM.....!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Mga 100 meters mula sa kinatatayuan ko, isang malakas na pagsabog ang nagpayanig sa lupa at nagdulot ng takot sa lahat. Nagtakbuhan palayo lahat ng mga chismosa. Naudlot ang paglalaro ng kara-krus ng mga pedicab driver at halos pagapang nang nagsilayo sa takot. Nag-iyakan ang mga baboy mula sa isang piggery 'di kalayuan. At nagsipag-evacuate ang lahat ng customer sa isang motel sa kabilang kanto - na halatang pare-parehong "nabitin".
Hindi ako natinag sa nangyaring pagsabog dahil sanay na ako sa mga ganyan. Kitang-kita ko ang takot sa mata ng bawat isa na naroon. Lahat sila, kinakamusta ang isa't-isa kung OK lang ba. Yung iba, umiiyak na. At ang karamihan ay pauwi na sa kanilang bahay kung saan sila mas ligtas.
Pero isang imahe ang pumukaw ng atensyon ko. Nakatayo sya ilang hakbang lang mula sa kumpol ng mga tao. Nang magtama ang mga paningin namin, humakbang siya paurong, tumalikod, at tumakbo ng matulin palayo sa mga tao.
Hindi kaagad pumasok sa isip ko kung ano ang nangyari. Natigilan ako sa nakita ko. Tila tumigil ang mundo ko pagkakita ko sa babaeng ito na tumatakbo patungo sa dilim at unti-unting nawawala sa paningin ko.
"Sandali! Hindi ako pwedeng magkamali! Siya na 'yon...!"
BINABASA MO ANG
The Mysterious "Miss C."
HumorHanggang saan ang makakaya mong marating para lamang masilayan ang taong itinitibok ng puso mo sa loob ng mahabang panahon? Special thanks to MariaAlona.... again!