Last Chance Ko

61 2 0
                                    

"Uy! Andun siya oh! Pa-picture kaya ako?" Natataranta kong tanong kay Sophia.

Paano ba naman kasi eh last day na namin 'to. Hindi man lang niya ako pinansin sa tatlong araw naming stay dito sa school nila. Saklap naman. Kahit tingin man lang, wala akong napala!!!!

"Hoy. Kalma ka lang. Take a deep breath." sabi ni Sophia sa akin para kumalma ako. "And I thought ako ang nagpapaka-baliw sa lalaki. Haha." pagtawa pa niya.

"Che! Tigilan mo ako. Siyempre bestfriends tayo kaya pareho ang mga ginagawa natin noh. Support ka na lang din kasi sa kalandian ko."

"Ok fine. Sige magpa-picture ka na sa kanya. Basta huwag mo akong kalimutan kapag tapos ka na ha?" ay gaga talaga ang isang 'to.

Hay naku. So ano gagawin ko? Nakakahiya naman ata kung magpapa-picture ako sa kanya. I would look so cheap and dumb. Eek! Basta! Natataranta na ako. Kainis naman. Huhu..

Dahil nga sa i'm having second thoughts, heto, parang baliw ako na pabalik-balik ng lakad ko. Hay naku.. Nahihilo na ako.

Wow ha. Hanggang sa natapos na ang gabi hindi pa rin ako nakapagpa-picture sa kanya. Mamamatay na ako!! huhu..

Inumaga na ang pagsisi ko.. tsk.tsk. Duwag kasi! Naku naman!

"Ready na kayo? Siguraduhin niyong wala kayong nakalimutan sa room niyo!" sigaw ng facilitator namin.

"Yes po!" chorus naming sagot sa kaniya.

"Badtrip! And I hope magkakaroon ako ng ka close dito!"

"Tama na yan. Meron ka namang naging ka close diba? Yung kagrupo mong cute magsmile. Ayiee.." sabi ni Sophia habang tinutusok niya yung gilid ko. 

"Oh come on! Grade 7 palang siya bespren! Makakasuhan ako ng child abuse kapag pinatulan ko yun. Kahit cute yun, bata pa rin yun!"

 At heto na kami. Naglalakad palabas ng building.

"Goodbye. Happy Halloween." nakangiti at pa chorus na paalam sa amin ng mga facilitator sa gate habang papalabas kami.

Pero nasaan yung tour guide ko? For the last time! I wanna see him. Lord, please?

"Hi miss."  napalingon ako. O.O

POSER ZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon