4

13 1 0
                                    

Paulit ulit sa utak ko ang mga katagang iyon. Hanggang sa makauwi ako.

Hindi ko sya kinausap. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pag kinausap ko sya. Kung nakakahiya ang pag tinginan ng ibang tao, mas nakakahiya ang makaramdam ng hiya sa bestfriend mo.

3buwan ang lumipas. Nawalan ako ng balita kay Josh.

At ngayon? Nandito ako sa harap ng puntod nya, iniisip yung mga masasaya naming alala, yung mga panahon na napapahiya kaming dalawa. Nawala sya sa akin ng di ko manlang sya napatawa.

Nawala sya ng di kami nagkakausap.

Hindi ko naman kasi alam na...

Pwede palang mangyari ang hindi mo naman naiisip na mangyari.

Katabi ng puntod nya ay ang puntod ng mama at papa nya.

Ika 5 araw ng di kami nag kakausap...

Nilooban pala ang bahay nila

At di inaasahan na, lahat sila ay papaslangin nila.

Tama ka josh,

Lahat ng mga pinag gagagawa mong kalokohan na naging ala ala nalang ay tatawanan ko nalang, miss na miss na kita. Napaka daya mo. Hindi ka manlang kasi nag sorry, nakakainis ka!

Wala ng mag tatanong sakin ng 'Krish masaya kaba?' Hindi ako masaya Josh,

Kung maibabalik ko lang yung nakaraan hahayan kita, sasamahan kitang mapahiya, sasamahan kita sa kalokohan mo basta wag kalang mawala.

Nag sisisi ako. Ikaw ang bestfriend ko. Ikaw yung nag papasaya sakin sa tuwing malungkot ako. Hindi ko inaasahan na hahantong ang lahat ng ito,

Hindi ko makakalimutan lahat ng ginawa mo para saakin lahat yun itatatak ko ng paulit ulit saakin. Mahal na mahal kita, kung nasaan kaman? Sana masaya ka.

Lagi mo akong babantayan ha? Hayaan mo. Soon makakasama din kita jan. At jan tayo lilikha ng ikakapahiya nating dalawa. At pag nangyari yun? Kahit pag tinginan tayong dalawa hindi ako mahihiya, basta kasama kita,

JOSH? Masaya kaba? :(

-KRISHA ALCANTARA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MPSYAKLNGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon