MALDITA NA AKO!
(one-shot story)
By: FallenAngeLinPINK
Kasalukuyan akong naglalakad sa campus ground papunta sa building ng library. Kasama ko ang bestfriend kong loka-loka na si Maggie.
Mga 3rd year college na kami ngayon at MassCommunication ang course namin.
Papunta na kami ng bestfriend ko sa library ng biglang may mahagip ang mga mata ko.
.. dalawang taong NAGHAHALIKAN!
As in HALIKAN! -_-
Laking gulat ko sa nakita ko,
Kasi...
Boyfriend ko pala yung nakikipaghalikan na yun!
Ang galing lang eh noh??
Malapitan nga!!
“Mags, tara! Dalian natin! Mukhang may magandang palabas banda dun oh!” sabay turo sa direksyon ng dalawang taong naghahalikan. Kadiri sila swear!! Eeeew!
“oh sige tara na!”
Nang makalapit na kami sa kanila, nagulat si Mags, siguro kasi di niya napansin na si great boyfriend pa la toh. Yan tuloy mukhang mauudlot pa pagpapakatalino namin sa library ah? Tsk! Haha!
“uy! Hi guys! Mukhang enjoy yang ginagawa niyo ha??” bati ko sa boyfriend ko at sa kahalikan niyang napaka---ugh! Panget swear! Ang b*tch ng dating eh!
O.0
Napatigil sila sa paghahalikan. Panget talaga ng term ko swear! Kadiri!
At napatingin sila sakin. O__O
Lumaki mga mata ng mga orang-utan na to. Biruin mu yun? Naging koala pa sila! Pfew! >.<
Pero come to think of it, nasa school kami pero pwede ganito? Ayos ah! Matry nga minsan! Kaso good girl ako eh kaya lang GONE BAD na ngayon! Haha! Tingnan mong lalaki ka! Magsisisi ka sa kawalan ko tingnan mo!!
“S-suzy?? Bakit ka nandito??” tanong ng boyfriend ko na ngayon ay kumakalas na sa yakap ng panget niyang kahalikan kani-kanina lang.
“oh bakit??? Nag-aaral ako dito ah?! Masama bang nandito ako? kayo lang ba may karapatan dito? Common sense naman dre! Nakipaghalikan ka lang nabobo ka agad??
At nga pala, gusto kong humingi ng pasensya. Nakakahiya naman kasi sa inyo eh naistorbo ko paghahalikan niyo. Sorry talaga haaa?? *insert sarcasm here* at nga pala, kamusta naman Ivan yung experience mu jan? Masarap ba?
Naku kasi, di kasi natin yan ginagawa eh yan tuloy naghanap ka na ng iba. At take note! DUN SA PANGET PA TALAGA HA?? Tae! Nakakatawa kayong dalawa! Pamatay amp! Anu bang nakain nyo at dito pa talaga kayo sa school naglampungan?? Tae! Kadiri kayo alam niyo yun??
At nga pala, nalimutan ko, I’ll be directing a mini-theater this coming week. At naghahanap ako ng mga flirty actor at b*tchy actress. And I think, may nahanap na ako! Great! So panu ba yan? Kukunin ko kayo bilang mga actor at actress at for sure, maeenjoy nyo yung gagawin niyo. Bakit?? Duh! Ganyan na ganyan din kasi gagawin nyo dun eh. Ayos diba?
Tsaka wag na kayong mahiya, nagawa niyo nga ngayon yan eh kahit maraming taong nakakakita sa inyo kaya for sure, wala na lang yan pagdating sa stage. So panu ba yan?? Ituloy niyo na lang yung ginagawa niyo kanina. Para na rin nakakapagpractice na kayo. Sige! Goodluck and enjoy!”
Sabay ngiti ng wagas! ^____^ oha?? Hansabee ng monologue ko?? The hell! I’m enjoying this! WTH!! Haha!! Ano ka ngayon Ivan?? Lakas ng loob mong pagpalit ako sa asong yan? Psh! Boys talaga kahit kelan! Perv ever! >.<
At saka ko hinila si Maggie palayo dun sa lugar ng pinangyarihan. Anudaaw?? May krimen?? Haha!!
“Best, di ko akalaing ganun ka pala?”sabi sakin ni Mags habang naglalakad kami papunta sa... cafeteria.
Ikakain ko na lang to! Pangwala ng BV! Haha!
“anu ka ba! Ganun talaga! Di ko din akalain na magagawa ko yun eh. Oh ano?? Ayos ba?? Ayos ba acting ko kanina?? Grabe! Alam mo bang natuwa ako sa ginawa ko? Ganun pala ang feeling ng manglait at maging bad? Haha!”
O__O
Gulat na gulat yung mukha ni Mags eh. Aww! EPIC! HAHHA!
“HAHAHHA!” biglang tumawa si Mags. Eeeh?? Baliwan? Haha!
“grabe ka Suzy! Idol! Biruin mong gaganunin mo lang si Ivan? Epic ka talaga! Labyuu talaga best! Galing mo kanina! Nagulat ako pero wala eh, elibs talaga ako! wahaha!!” haha! Anloko talaga ni Maggie kahit kelan!
“naman! Ako pa! Kanino ba ako nagmana? Diba sayo? Pasalamat ka marunong na akong mang-okray ngayon. At maganda na yung nagiging maldita ako kahit minsan para naman di ako palaging kawawa! Hahha! Laftrip mga mukha nung dalawa kanina diba?? Haahha!! Whahahahh!!” at ayan, nagsimula na ang psycho syndrome namin. Anudaaaw? Basta talaga pag nagsama kami nito ni Mags, lagi kaming tawa ng tawa. Mga baliw eh! Pasensya na!! Haha!
At ayan na nga, nasa canteen na kami para magwala ng stress at Badvibes. Hahah! I can’t believe sa ganung paraan kami magbebreak. Amp! Epic break up ever! Gusto niyo din ba ng ganung break up?? Haha! Gawin niyo lang yung ginawa ko. Effectivemuch swear! Haha!!
----
Niloko ka ng boyfriend mo. Nakita mong may kahalikang iba tapos kukunsintihin mo pa rin? Act as if wala lang nuh! Siya may kasalanan at siya ang nawalan hindi ikaw! At maganda ng malaman mo ng maaga na niloloko ka lang nya para di ka na masaktan pa ng lalo sa susunod. Alam kong sasabihin niyo na dapat pinag-explain ko man siya kaso for what pa?? Kadiri kaya yung lipstick na kalat kalat sa bibig niya. Kadiri talaga kaya ayoko ng makausap yun! And ayoko sa mga ganung lalaki nuh! Biruin mong akala mo anghel ay may pagkaganun pala?? Kaya mabuti ng tapusin na ang lahat.. walang mabuting maidudulot lalo na kapag may lipstick pa siya sa labi!! Hahha!! ^__^v
Mabait ako noon.....
Pero.....
MALDITA NA AKO NGAYON!!!
*END*
(FAPS’ note: aw! Ano na naman bang pakulo ko to?? Haha! Kamusta naman pala tong walang wenta kong one shot? Haha! Lakas trip kasi ako kaya natripan kong magsulat ng ganito. Haha! Salamat kung may bumasa. Haha! Nakakaloko maging maldita! Parang ang saya! Joke! Pa-vote or comment if you like. Hahah! Hmm basta po, wala lang akong magawa kaya ko to nagawa, nag-iimagine kasi ako kung anong itsura ko kung maldita ako eh. Haha! LOL FAPS! XD)

BINABASA MO ANG
MALDITA NA AKO! (one-shot story)
Roman pour AdolescentsONE SHOT STORY ABOUT A GOOD GIRL GONE BAD! ENJOY READING! <3