Nasaan ka na ba?

2 0 0
                                    

Tandang tanda ko pa,
Nung sinabi mong hintayin kita.
Akala ko ba sandali lang?
Ang tagal kitang hinintay.

Nagtext ako, tumawag pako.
Di mo sinagot, umabot pa ng sampo.
Inisip ko, baka naligaw ka lang.
Kahit alam kong kabisado mo ang daan

Naghintay pa ko,
Pero biglang bumuhos ang ulan.
Kasabay ng pag patak ng luha ko.
Wala eh, yung puso ko sugatan.

Grabe, sobra akong nasaktan.
Ayaw na kitang makita kailan man.
Hindi ka man lang nagparamdam.
Sana naman ako'y iyong sinabihan.

Iintindihin ko naman.
Kahit sa anong paraan.
Pilit kong iintindihin ang iyong dahilan
Mahal na kita eh, di mo lang alam.

Sabi nga ni Mamang,
Mawala ka man kung saan.
Palagi mong tandaan,
Nandito ako para iyong balikan.

TULA NI MAMANG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon