"When will you stop pushing me to others huh?" I said while looking straightly into her eyes.
"You always push me to date every girl that had passed your expectations, but what about me? What about my feelings. Paano naman yung gusto ko? Lagi na lang bang ikaw ang magdedesisyon ng kung sino ang para sa akin? Kung sino ang ide-date ko? Hayaan mo naman ako mag desisyon ng para sa sarili ko!" Napataas na ang boses ko nakita ko naman ang pagkabigla niya.
Damn kung alam mo lang kung bakit ako nagkakaganito. Bakit ba kasi ang manhid manhid mo? Bakit hindi mo maramdaman na ikaw ang mahal ko, na ikaw lang ang hanap ko.
"I'm doing this for you, for your happiness. I want the best for you. But I think you can't appreciate my effort. Tinutulak kita sa kanila para sa ikabubuti mo gusto ko mahanap mo yung magpapasaya sa'yo pero parang minamasama mo pa ang ginagawa ko." Tumulo na ang luha sa mga mata niya.
Oh damn wag kang umiyak ngayon ito ang kahinaan ko ayaw na ayaw kong nakikitang umiiyak ka.
"Hindi ko kailangan ang effort na sinasabi mo. I can find the best for me with or without anyone's help." Naiinis pa ring sagot ko sa kanya.
Can't you get it? You're the best for me. Kahit anong tulak mo sakin palayo o kahit anong tulak mo sa akin sa ibang babae sa'yo pa rin ako babagsak. It's still you.
"Gusto ko lang naman tumulong eh." Umiiyak na talaga siya ngayon.
Damn ayoko na talaga suko na ako. Aamin na ako ngayon. It's now or never. Ayaw na ayaw ko talaga siyang nakikitang umiyak lalo na ngayon at ako pa ang dahilan ng pagiyak niya. Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko.
Gustong gusto ko nang punasan ang mga luha na bumubuhos sa mga magaganda niyang mata. Shit ano nanaman ba 'to umiiyak na nga pinupuri ko pa.
"Alam mo ba kung bakit wala akong magustuhan sa mga babaeng pinagtutulakan mo sa akin?" Tanong kong nagpaangat sa tingin niya kanina pa kasi siya nakatungo.
She looked confused.Kinagat niya ang pang ibaba niyang labi. Oh damn don't do that baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at ako na mismo ang kumagat diyan.
Hinintay niya lang akong dugtungan ang sinasabi ko kanina.
Hinawakan kong parehas ang kamay niya, kinalma ko muna ang sarili ko at pumikit. Huminga rin ako ng malalim.
Shit eto na talaga aamin na ako. This shouldn't be like this. Dapat romantic 'to kaso hindi ko na kayang itago pa itong nararamdaman ko. Bahala na.
Woooohhhh kaya ko 'to. Inhale, exhale, inhale, exhale.
Eto na talaga kaya ko 'to. Wag kang matotorpe kahit ngayon lang.
"The truth why I don't like those girls that you want me to date because I like someone else... No I think I'm madly and deeply inlove with her. She's the best for me." Huminto muna ako para kumuha at mag ipon pa nang maraming lakas ng loob.
Napaatras siya noong sinabi kong may mahal ako.
Nakatungo lang siya habang umiiyak pa rin. Tsk napakaiyakin talaga nito. Natatakot na siguro kasi ngayon ko lang siya nasigawan pero kinakalma ko na ang sarili ko.
"No one is better than her. For me she's the best in the whole world. Walang makakahigit sa kanya pero sadyang manhid yata siya kasi hindi niya maramdaman na mahal na mahal ko siya." Pagpapatuloy ko.
Iyak pa rin siya nang iyak. Nagiguilty siguro dahil kung kani kanino niya ako blina-blind date.
Pinunasan ko ang luha niya at hinawakan ulit ang dalawang kamay niya.
YOU ARE READING
Still You
Teen FictionHow dare you push me to other people, while I'm here secretly loving every piece of you. How can I love those girls that you pushes to me when in fact I'm madly inlove with you, only you. Tuwing tinutulak mo ko sa iba sa'yo pa rin ako bumabalik. Ika...