1 message received. Part I.

210 11 6
                                    

Panaginip lang. Trip ko ishare..

PS. Medyo corny.

Dedicated to Angelle, BABY! Hahahahahaha.

__________________________

Mike's POV

Andito sa bahay yung girlfriend ko ngayon. Niyaya ko siyang uminom. I know I'm a bad boyfriend, wala naman akong balak idisrespect yung pagkakababae niya. I just want to be with her tonight.

Ako dapat pupunta sa bahay niya eh. Kaso bawal daw. Family problems, I guess.

"Anung meron? Bakit nagyaya ka bigla uminom?" tanong ni Eunice.

"Wala. Namiss ko lang ang baby ko.. Di ka kasi nagparamdam for two weeks eh."  tapos hinug ko siya. Backhug.

"Sorry. Family problems."

"I understand."

We were drinking for almost 5 hours. Nasa katinuan pa naman kame. Light drinks lang iniinom namen. Ayoko naman siyang maging wasted.

Kanina ko pa siya kinekwentuhan, pero parang wala siya sa sarili. Tango, ngiti. Yan lang ang ginagawa niya buong kwentuhan. Until she noticed that its already 4am.

"I need to go. Magliliwanag na pala."

"Kung kelan magliliwanag na dun ka pa nakapagdecide na umuwi? Weird." Tapos nginitian niya lang ako. Weird naman talaga eh. =_________=

"Ikaw kasi eh. Ang daldal mo."

"Hatid na kita."

 "No need, matulog ka na lang. 4 na oh."

"No. I insist. Di mo na nga ako pinayagan magpunta sa bahay niyo eh. Please?" Tinignan ko siya sa mata para hindi siya makatanggi.

"Fine."

Sa kotse...

"Baby, are we back to normal? Hindi ka na ba ulet mawawala for two weeks?" I broke the long silence.

"Uhh..." 

Instead of answering, she turned on the radio. I know she was avoiding the question. Di ko na lang kinulit. 

*sigh*

 Long silence.

"Baby, may problema ba tayo? You seemed pre-occupied. Kanina ka pa ganyan. Isang tanong isang sagot ka lang." Andito na kame sa tapat ng bahay niya pero nung bubuksan niya na yung pinto, pinigilan ko siya.

2 weeks siyang di nagparamdam tapos cold pa yung treatment niya? Konting panahon na lang meron ako.  

"Tigilan mo na ko. Ganyan ka ba kamanhid? Kaya ako di nagparamdam sayo kasi ayoko na sayo! Kaya lang kita pinagbigyan ngayon kasi ang kulet mo! Sa buong two weeks wala kang ibang ginawa kundi iflood ako ng text, sunud sunorin ng tawag, tadtarin ng message sa fb. Nakakarindi ka!"

Hinawakan ko yung kamay niya. "Baby, namiss lang kita." my voice cracked.

"Sa pag-alis ko sa kotse mo ay kasabay ng pag-alis ko sa buhay mo. Sorry Mike. But I'm breaking up with you." 

At kasabay rin ng pag-alis niya sa kotse ko ay ang pagtulo ng luha ko.

--------------------------------------------------------------------

3 months.. Exactly 3 months after that day. After nun never na siyang nagparamdam. Anniversary na sana namen ngayon.

"Anak, pack your clothes. We need to go to the airport in an hour." 

Yes. Aalis na kame papuntang Cali. Dun na ko, mag-aaral. Dun na kame titira. Di na kame babalik dito.

Yung araw na niyaya ko siya dito sa bahay ay yung araw na nalaman kong aalis na kame. Plano ko sanang sulitin yung 3 months para makasama siya.

Pero bago ako mag-impake.

To: Eunice

Hi Baby. Eunice pala. Anniversary sana naten ngayon, di ba? :( Pero iniwan mo ko. Iniwan mo ko without giving me your reason. I'm sorry kung kinulit kita nung hindi ka nagparamdam for two weeks. Kinulit lang naman kita kasi miss na miss na kita. Ang panget nga ng naging ending ng situation naten eh. Namiss na nga kita nang-iwan ka pa. 

I just want you to know na ngayon ang alis namen papuntang Cali, and I'll never go back. Sorry kung ang kulit ko. I love you. Happy Anniversary Baby.

Message sent.

Nilapag ko sa kama yung phone, I honestly do not care kung may magtetext. Kasi alam kong hindi naman yun si Eunice.

After 30 minutes bumaba na ko sa sala, tapos na kasi ako mag-impake. After that, I checked my phone. I was surprised with what I saw.

1 message received.

Tama lang pala yung desisyon kong pumayag umalis.

------------------------------------

Okay. Corny kung corny. =___________=

Read, vote, comment.

May kasunod pong part yan.  Abangan niyo na lang, :)

BTW, read A2L3T6 din po, check niyo sa My Works.

--> Kervin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1 message received. Part I.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon