Louise POV
Bakit ang hirap mamuhay nang hindi kasama ang mga taong malapit sa iyo? Tapos kung sino pa iyong ayaw mo makasama, iyon ang laging nakikita mo sa tuwing imumulat mo ang iyong mga mata.
Sawang-sawa na ako sa mga salitang binibitawan nila. Eto ako eh, kaya wala na silang karapatan para baguhin ako. Hindi naman ako masama na nagnanakaw lang ng kahit ano at hindi rin naman ako mamamatay-tao. Pero, bakit kailangan nilang pakielaman ako at gusto nila ako magbago.
"This is me, I' m exactly where I'm supposed to be now. Diba Conan?" seryoso kong sabi habang kausap ang TV na kung saan ay pinapalabas ang Detective Conan.
Konichiwa! Ako nga pala si Louise Francoise, isang teenager na makulit at isip-bata. I love to watch anime especially Detective Conan, kaya nga sobrang hanga ako sa kanya ay nagaala-detective na rin ako. May natatangi akong sikreto na wala pang nakakaalam. Isa akong Humanimal. Isang mortal na may katangi-tanging kakayahan at abilidad. Noong nakaraan ko lang nalaman iyon at ngayon ay inimbitahan ako na pumasok sa isang exclusive school, o diba ang taray. Ito ay ang Humanimal University kung saan ang lahat ng kasama mo doon ay puro Humanimal rin at doon kami magsasanay para protektahan si Mother Earth.
"Hoy Louise! Tigilan mo na nga iyang panunuod ng walang kwentang anime na iyan! Dalaga ka na at wala ka pang silbi dito."
Si stepmother na mataray, siya iyong tinutukoy kong lagi kong nakikita sa tuwing imumulat ko ang aking mga mata. Kasawa na nga eh. Lagi akong pinagdidiskitahan, porket ba childish ako.
"O paano Conan my love, mamaya ko na tapusin ang panonood."
~~~~~~~~~~~~~~
"Nakakainis naman." Kanina pa kasi ako paikot-ikot sa lugar na ito. Hindi ko mahanap iyong pinabibili sa akin nung fake mom ko na iyon. Siya iyong may kailangan pero ako ang pinapahirapan niya sa pagbili. "Hindi ko tuloy natapos iyong panonood ng Detective Conan, sino kaya iyong pumatay?"
"Hey, let go of me!" boses ng isang lalaki iyon ah. Saan nanggagaling iyong sigaw na iyon?
Lumingon ako sa likuran ko. Nakita ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan na may inaaway na pulubi. "Oy kung sino ka man! Masama iyang ginagawa mo ah." marahan kong sigaw habang papunta doon sa lalaki.
"Pwede ba bata, lumayas ka diyan. Huwag ka makisali dito, baka kala mo laro ito." aba, tinulak ba naman ako. Tsaka hindi ako bata at sino nagsabing laro ginagawa niya eh sinisipa-sipa na nga niya iyong kawawang pulubi.
"Wala kang awa, anong klaseng nilalang ka huh? Sabihin mo at ipapaligpit kita." galit kong sabi sa kanya.
"Manahimik ka nalang diyan, baka gusto mo ipatapon kita sa bahay-ampunan!" pasigaw niyang sabi sakin habang ako naman ay sinusuri siya gamit ang aking mahiwagang magnifying glass, nilapit ko ito sa pagmumukha niya. "Hoy! Tanggalin mo nga iyang bagay na iyan, para kang sinto-sinto!"
"A detective who uses his deductive powers to corner a suspect and then does nothing to stop that suspect from committing suicide is no better than a murderer himself." nosebleed ako sa sinabi ko. Best punchline iyan sa Detective Conan ah kahit walang connection sa pangyayari ngayon.
"Anong pinagsasabi mo diyan? Lumayas ka na nga lang."
"Hindi ka naman niya inaano ah. Bakit mo siya pinagtatabuyan?" pilit niya kasing nilalayo sa kanya iyong kamay nung pulubi.
""Iho, parang awa mo na. kahit konting maiinom lang." nagmamakaawa na iyong matanda pero snob parin siya.
"Eh sa ayoko nga, ang kulit mo din eh noh." pilit niya paring hinihila iyong braso niya mula sa pagkakahawak ng matanda.

BINABASA MO ANG
Darkness and Light: Something In Disguise
FantasiaA One-shot story which is dedicated to our beloved Prince, PrincepElmo. The owner of the Humanimal University. A school for a different humanimals which is highly trained to protect the world against the evil doings of a certain creatures. ...