Tamis ng Halik

30 0 0
                                    

Sa pagsibol ng bulaklak,
Ating landas ay nagtagpo.
Minsa'y puno ng halakhak,
Na sinundan ng pagkahapo.

Magkasama na hinarap,
Pagsubok ng alapaap.
Hanggang ngayo'y andito pa,
Magkasama't di nag-iisa.

Marami mang nakilala,
Marami ding nagpaalam.
Marami mang pinagdaanan,
Tayo pa rin ay lumalaban.

Tadhanang makakasama,
Tayo'y napuno nang kuwela.
Bawat araw na lumipas,
Sa puso'y naiwan ang bakas.

Pagpapasaya sa madla,
Kalokohan ay makikita.
Kiligang hindi maawat,
Sa mga talang nakasikat.

Tawanang napamahagi,
Habang madla'y nakangisi.
Sana ito'y 'di malimot,
Dumaan man maraming pagsubok.

Ito'y magiging alaala,
Natin para sa isa't-isa.
Mga larawang lilipas,
Sa isa't-isa'y 'di magwawakas.

Mga ngiting walang katumbas,
Sa paghihirap ito ang katas.
Pinagsamahan ay walang wakas,
Nakatago't hindi makakalas.

Ito ang kayamanan namin,
Kahit kailan 'di mananakaw.
Kapag hinarap sa salamin,
Tunay at tila umaapaw.

Panahon ma'y lumipas sa amin,
Alaala'y maiiwan pa rin.
Mga nakalipas ay ibabalik,
Na kasing tamis ng isang halik.

ShowtimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon