Naglalakad ako sa may hallway. nang may malakas na boses na tumawag sa napaka ganda kong pangalan. na di ko alam kung san ba galing?
"Tara" Malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses
"Jade .. ikaw pala pwede sa susunod wag mo isigaw yung pangalan ko!!! madi-discover ako nyan" pagbibiro ko sakanya."Bakit ba?"
"Eh!! makikisabay lang naman ako sayo.. at kung itatanong mo kung ba't ako sumisigaw ang bilis mo kase maglakad at ang bingi-bingi pa" panenermon at sabay pingot sa tenga ko
"Aray ko!!" Pasigaw na sabi ko. "Makikisabay ka na nga lang" sabay alis at padabog na naglakad
"Ayy.. sorry" Tinignan ko lang sya ng masama at nagsimula na kaming maglakad. Ang tahimik ng buong paligid pero binasag ni jade ang katahimikan na yun..
"Tara.... Alam mo bang may bago daw transfer sa school na napaka gwapo at yaman. nako ang swerte talaga ng makakakuha sa kanya!!" sabi ni jade habang nag pa- puppy eyes pa.
"Ano naman Ang swerte doon? porket gwapo at mayaman ay swerte na?? at pano ung di sya mapunta sayo di hindi kana swerte?" Pagtataray ko sa kanya na ikinadahilan ng pag tigil ng pag pa-puppy eyes nya.
"Hay!! Bakit ba ang taray mo ha?? kahapon naman Hindi ka ganyan ang lakas pa nga nang trip mo eh!! " Pagtatanong nya.. Naalala ko tuloy ulit yung nangyari sa bahay-_-
<<<FLASHBACK>>>
PAGPASOK KO SA BAHAY NAGULAT AKO SA NAKITA KO O_O!!!!!
'Ma?? ano po yan" Pag tatanong ko sa white gown na suot ni mama
"Anak ko nandyan ka na pala !!" pasigaw na sabi ni mama at sabay lapit sa kin at yumakap. "Anak hindi mo ba nakikita sinusuot ko tong pangkasal ko!!" Alam ko po-_-.
"Alam ko ma!!! E. bakit po suot nyo yan??" pagtatanong ko na parang diring-diri sa suot ni mama
"Anak felling ko malapit ko nanaman to isuot" Kinikilig na sabi ni mama.. "po??? bakit eh--" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang bigla syang mag-salita
"Dahil May naka bangga ako na isang lalake na napaka gwapo at nahulog yung mga dala kong plato.. tapos nahulog lahat pasalamat na lang ako at di yun babasagin... pagatulong nya sakin madalas na syang kumakain sa resto lagi naman akong nag se-served sa kanya ng mga order nya hanggang sabihin nya na "miss pwede bang hingin number mo ano nga pala name mo??" kaya yun sinagot ko "ahmmm... ako nga pala si dianne hernandez"tapos binigay ko num. ko" Yun lang yun -_-??
"Ma?? Yun lang yun??"
<<<END OF FLASHBACK>>>
pagkatapos kong mag-kwento nakatulala lang si jade sa akin.. "Oh!! nakatulala ka dyan" pagtatanong ko
"Yun lang yun?" tanong nya."Oo.. ang problema ko kasi bakit ang bilis nya maka move-on kay papa hindi ba nya minahal si papa nakakainis kaya ngayon magka-away kami!! hindi talaga ko papayag na mag-aasawa sya ulit"
"Anong gusto mo habang buhay na lang malungkot mama mo?"
"Hindi naman sa ganun mahal ko si mama at ayoko masaktan sya ulit" naiiyak na sabi ko T_T
"Yun na Man pala eh! mahal mo sya..... bakit tututol ka sa ika-sasaya ng mama mo??"
"Eh!! mahal ko sya pano kung lokohin lang sya nung lala--" Di nya ako pinagpatuloy
"Nega ka kase!!!! yun agad sasabihin mo eh! hindi mo pa nga kilala yung lalake na tinutukoy ng mama mo >_<" Galit at sigaw yan ang binigay sakin ni bestfriend ko -_- Oo na talo na kooo T_T
KRING KRING KRING!!!!!!!!!!!!
"mauna na ko" pagsusuplada nya
"Uyy!! oo sige talo na ko at panalo kana" lage naman akong talo sakanya eh
"Hindi tayo nagpupustahan TARA ang sakin lang mag sorry ka kay tita"
"mag-sorry pag nag sorry ako ibig sabihin pumapayag na ko sa lalake na yun hindi pako baliw para payagan yung mama ko na mag asawa na parang wala lang sa kanya ang pagkawala ni papa" sa isip ko
"Kung ayaw mo mag-sorry ???? Bahala ka hindi kita papansinin" Pag-aarte nya kulang na lang dito sa babaeng to maging artista eh!! daming kaartehan,kapilosopohan,kalokahan
Bigla syang tumakbo at alam kong iiwasan nya na ko hanggang mamaya . hinabol ko sya
"Jade! ano ba wag ka ngang maar--" May malaking lalake na nakabunggo sakin
"Aray!!!!" sino ba yun?? nang may biglang mag salita "Sya!!!!!sya!!!!!sya!!!" nangingisay na kinikilig?? yun ata yung ekpresyon ni jade . sino ba yun?
"Hoy!!!!! lalakeng naka brown na jacket " nilingon naman ako muntik na ako mapa nganga sa nakita ko. ang GWAPO NYA OVERRRR
"Bakit?? ano kailangan mo babaeng naka gray na jacket ??" pang-aasar na tanong nya.
"Grrr... Hindi mo manlang ako tinulungan tumayo dito nabunggo mo na nga ko tapos di ka pa maruno---" lumapit sya at bigla akong hinawakan sa bewang. yung hawak nang manyak sabay tinitigan ako
"Ano ba" sabay kalas sa pagkaka hawak nya. " Ang manyak mo!!!! MANYAK!!!! MANYAKKKK!!!!"pinagsisigawan ko talaga na manyak sya sabay----------
"Ano ba ba't mo ako Hinalikan" teka tama hinalikan nya ko sa harap ng maraming tao este estudyante??
"Bukas na lang tayo ma--" Kumaripas talaga ako ng takbo dahil may nakita ako..
![](https://img.wattpad.com/cover/14371772-288-k72599.jpg)