In Heaven {Oneshot}

484 11 8
                                    

{ Read between the lines. And look beyond the story. }

---

Love is never simple.

Love makes us fall apart.

Love is a total bullshit.

You made her feel what love really was.

For quite some time, you gave her reasons to live.

Actually, she's thankful to you. Kung hindi dahil kasi sa 'yo, hindi niya mapapatunayan na ang pag-ibig talaga ay isang walang kwentang bagay---isang basurang kagaya mo, hindi na dapat kinikipkip. Tinapon.

She's prepared. Alam niyang darating siya sa puntong ganito. Alam niyang hindi ka tatagal. Alam niya kagaya ng iba, sasaktan mo din siya, lolokohin, iiwanan. Wala kang pinagka-iba. Pero bakit gano'n? Bakit kailangan mong umarte hanggang sa huli na mahal mo siya? Bakit kailangan mong paniwalain siya na kayo talaga para sa isa't isa? Bakit?

Bakit siya nagpakatanga para sa 'yo? Nagbulag-bulagan. Nagbingi-bingihan. Bakit?

Bakit kahit hinanda na niya ang sarili niya sa ganitong pagkakataon, bakit gano'n pa rin kasakit nang iwanan mo siya? Bakit ka niya minahal? Bakit mo siya iniwan?

And now you left her with nothing. Nothing but a pained broken heart. Nothing but hatred. Nothing but anger, jealousy, bitterness, tiredness. Nothing but hopes and wishful thinking. Nothing but...love.

Yes. She loathed you. But that fact cannot hide the truth that she still has feelings for you. Yes, she hated herself for still being in love with you despite what you did to her. She hated herself for hoping that you'll come back to her, despite you already have her.

Can't you see? Binaba na niya ang lahat. Nilunok na niya ang pride niya para lang h'wag mo siyang iwanan. Nag-makaawa siya sa 'yo na kung pwede kayo na lang ulit. Pero anong ginawa mo? You denied her. You left her broken, again.

Hindi ka ba naawa sa kanya? Hindi mo ba nakikitang pagod n pagod na pagod na siya? Ang dami na niyang problema---sa bahay, sa school, sa pag-aaral, sa mga kaibigan, sa sarili niya---tapos dinagdagan mo pa.

Everything is alright. You love her. 'Yon ang akala niya. Tapos, magugulantang na lang siya isang araw may iba ka na. When you bid goodbye, ang dami mong reasons. Kasing dami ng bituin sa langit. Kumikinang kinang pa.

But do you seriously think she's stupid enough to believe those bullshits? No. She knew it. Long before you even noticed. She was aware that you're seeing someone else aside from her. Mas maganda. Mas sexy. At mas kayang ibigay lahat ng gusto mo. Yes, I am talking about that. Virginity. The only thing she couldn't surrender to you.

The fuck is with you? Alam naman niyang naipit ka na. Wala ka ng choice kung hindi bitawan ang isa. And unlucky her---no, lucky her because it was she you decided to give up. Well, she had to congratulate you for doing the right thing. Hindi nga naman kasi kayo bagay. Hindi ka naman tao. Hayop ka kasi.

And now that she has finally moved on, heto ka na naman sa labas ng bahay niya. Kumakatok, nagmamakaawa. Heto ka na naman sa buhay niya, nagbabalik, humihingi ng huling pagkakataon. But much to your dismay, hindi na siya kagaya ng dati.

Hindi na siya 'yong tangang babaeng habol ng habol sa 'yo. Hindi na siya 'yong babaeng abot langit ang kilig kapag pinapansin mo siya. Hindi na siya 'yong babaeng halos takasan na ng kaluluwa sa t'wing kausap mo siya. Hindi na siya 'yong babaeng...ibibigay ang lahat para sa 'yo, mamahalin ka ng buong puso at handang isakripisyo ang lahat para lang sa kaligayahan mo. Hindi na siya 'yon. Marami na ng nabago. At huli na para ibalik ang dating siya.

Siya na niloko mo. Siya na iniwan mo. Siya na sinaktan mo. Siya na pinatay mo.

"'Wag mo akong takutin. Kahit tumalon ka pa mula sa rooftop, kahit masagasaan ka ng humaharurot na bus, kahit magpalapa ka pa sa sampung leon, kahit mamatay ka sa harapan ko, wala akong pakialam. I don't give a damn about you. I don't need you like I used to. I don't love you anymore. And I want you stay out of my life forever. In short...

...just die."

Parang tinutusok ng karayom ang puso mo. Parang may malaking batong nakaharang sa lalamunan mo. Parang unti unting pinapatay ang kaluluwa mo. Paano niya nasabi ang lahat ng iyon? Paanong ang isang anghel na kagaya niya ay hihiling ng gano'ng klaseng bagay?

Oh, nakalimutan mo na ba? Ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang may gawa niyan. Ikaw ang dahilan. It was all your fault. And it served you right. You deserve this. You deserve to die, as she wished.

"I got it..."

Without any second thoughts, you walked past by her. Habang unti unting binabalot ang kahungkagan ang puso mo, naglakad ka lang ng naglakad. Hanggang sa marating mo iyon--- ang puting linya. Kung saan nahahati ang buhay at kamatayan. Isang talon lang alam mong iyon na ang katapusan.

Humarap ka ulit sa kanya. Nakangiti. Lumuluha. Nasasaktan. Siguro nga ito ang dapat ang mangyari sa ‘yo. Ang mabura sa mundo. Siguro kapag namatay ka, magiging masaya siya. Babalik sa dati ang lahat. At siguro, sa gano’ng paraan, magiging masaya ka rin sa langit. O kung doon ka man dalhin ng kapalaran pagkatapos nito…

“I’ll die as you wish…” Tapos tumalikod ka. At tumalon. Tumingin ka sa bakal na riles. Siguro kagaya kayo ng mga ito. Kahit gaano kalapit sa isa’t isa, hinding hindi kayo kailanman magtatagpo. Siguro ganito matatapos ang kwento niyo. Siguro ganito matatapos ang buhay mo.

Isinigaw niya ang pangalan mo. Tumingin ka sa kanya. May isinisigaw siya. Pero hindi mo naririnig. Masyadong malakas ang busina ng papalapit na tren. Nakita mo na lang siyang tumatakbo palapit sa ‘yo. Umiiyak. Nagbabaka sakaling  maiililigtas ka niya. Ngunit huli---!

Naitulak siya ng kung sino. Nahulog siya at sinalo mo. Ngayon, huli na lahat para sa inyo.

“If you’re going to die…I’ll come with you. Wherever you go.”

“I might go to hell after this…”

“I know.”

“You might go to hell as well…”

“As long as you’re with me, I don’t care. I just want to be with you.”

You hugged her tight. She hugged you back.

“I love you.”

“I love you too.”

Then there was the great impact, the sudden pain…

And everything went black, then white.

---The End---

In Heaven {Oneshot}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon