Chapter One: The come back

40 2 0
                                    

Sa dinami-dami na ng nangyari sa buhay mo, ngayon ka pa ba susuko? Yung alam mong kaya at kakayanin mo naman kaso napapagod ka na din. Hanggang kailan at hanggang saan ako magtitiis?

CHAPTER 1

Ako nga pala si Jasmine. 17 years old. Nag-aaral sa kursong BS Psychology. Human behavior daw eh. O yung pag-iisip ng isang tao o ang kanyang kinikilos. Tama ba? o.O E paano pag sarili ko ngang pag-iisip at kinikilos ay hindi ko maintindihan. Ganito na ba talaga ako ka bobo pag sarili ko na pinag-uusapan?

Lumaki ako sa may kaya na pamilya. My mom and dad works abroad. Wala akong kapatid, yung yaya at driver ko lang ang kasama ko sa bahay sa araw-araw. At feeling ko magiging alone na ako neto, gusto na kasing bumukod nung dalawa eh. Haha. Joke lang. :P Parang loveteam silang dalawa eh, and in fact they looked perfect together naman talaga eh. Eh ako kaya., kailan ko mahahanap yung perfect din para sa akin?

Balik pasok nanaman bukas! 2nd sem na pala. Ayoko nang ibalik pa yung 1st sem, masyado kasing puro bad memories nandoon. Pero dahil sa mga topakin kong kaibigan, kahit papaano na enjoy ko siya. And speaking of, magkikita pala kaming apat ngayon to go malling. Kasi hindi na namin yun magagawa pag paskuan na ulit. Sobrang magiging busy na din kasi.

"Hay naku! Pasukan nanaman bukas! Makikita ko nanaman yung mga asungot!" Pfftt. - Athena

         "Asungot???" sabay sabi naming tatlo.

Kung makapagreact kayo diyan parang di niyo kilala. Asungot. Yung mga nagpatibok ng puso natin pero iniwan din tayo! - Athena

Ay! Oo nga pala. Isa yan sa pinakamalaking rason kung bakit ayaw ko nung 1st sem. Sabay kaming nainlove na apat and unfortunately sabay din kaming na broken hearted. Saklap diba!?

      Hahahaha. Oh diba kinalimutan na natin yun. 2nd sem na oh. Move on na tayo guys. Di natin sila kailangan para maging masaya. Masaya naman tayong apat na walang lovelife diba? - Sasha

 (Tahimik lang kaming tatlo ni Athena at Ryan)

Nakalimutan ko pa lang ipaalam. Nagtataka kayo kung bakit nag-iisang lalaking kaibigan ko si Ryan nuh? Kasi si Ryan medyo bading na hindi naman. Pag wala yun, parang nawalan narin kami ng joker at entertainer. Sobrang masayahin kasi, laging nang-aasar at palabiro. Kaso yun nga lang sobrang tahimik din pag nasasaktan tas kami naman yung magpapasaya sa kanya :)

Kung pwede lang sana na si Ryan na lang yung maging boyfriend naming tatlo ni Sasha at Athena. Hahaha. Kaso di naman pwede eh.

(Buntong Hininga)

Hay naku! Wag na muna natin yang pag-usapan. Let's enjoy the day. Kasi bukas were all gonna be busy. Marami pang semester and dadaan and for sure may makikita din tayo na perfect para satin, na hindi tayo sasaktan at paiiyakin. Hindi nga lang ngayon yun.

     "Wow naman. Perfect talaga? Sana lang talaga meron. Ay thank God naman. Pero pag wala, nganga padin tayo!" - Ryan

Nanood kami ng sine tas kumain. Pagkatapos naming kumain bumili kami ng kung ano'ano, makisabay lang sa uso. Nag ikot-ikot kung saan-saan tapos umuwi na rin.

Sobrang Kapagod yung araw na ito pero masaya naman kasi sila yung kasama ko.

    Kinabukasan...

I used to wake up by myself. Malaki na kaya ako at hindi ako katulad ng ibang sosyal diyan na nagpapagising pa sa yaya nila.

Naligo na ako at nag ayos. Tsaka kumain ng almusal at nagpahatid na kay kuya driver.

It seems that everyone in this school is excited dahil pasukan nanaman. Syempre sobrang ingay nanaman ng paligid dahil sa mga kwento ng bawat isa.

Nag ikot-ikot ako sa paligid para hanapin yung mga kaibigan ko. Balita ko din may mga bagong lipat nanaman daw. Palitan ko na kaya yung mga kaibigan ko para bago naman? Hahaha. Joke lang. Hindi ko kaya magagawa yun. Loyal kaya ako.

Habang nag iikot ako nakasalubong ko yung isa naming kaklase.

   "Uy Jasmine!" bati sakin ni Monica.

Hi! Ahhhmm. Buti na lang nakita kita. Kanina ko pa kasi hinahanap sina Athena, nakita mo ba sila?

    "Nakita ko sila sa may canteen. Ewan ko lang kung nandoon pa sila ha. Puntahan mo na lang."

Ah. Osige. Salamat Monica ha? Magkita na lang tayo sa klase mamaya. Bye :)

 Hay naku! Nasa canteen nanaman mga yun. Tambayan kasi namin pag vacant pa. Eh, early in the mornig palang kaya. Hindi ba sila nag almusal? Tskk..

Malayo pa lang kitang-kita ko na sila. At mukhang nagkakatuwaan pa. Pero teka, parang may kasama sila eh. Hmmm. Malapitan ko nga.

     "Uy! Si Jasmine!" sigaw ni sasha.

Kanina ko pa kaya kayo hinahanap. Hindi man lang kayo nag text. Ang aga-aga andito na kayo sa canteen.

    "Sorry naman po. Kasi hindi kami makatanggi sa libre ni Carlo eh." - Sasha

(That question mark in my head. Pfftt. Hindi ko naman kasi kilala tong si Carlo)

    "Oh. By the way. This is carlo pala. We wet him while were walking around. New student siya dito. But he's an Engineering student."

      Carlo this is Jasmine and Jasmile si Carlo :) - Athena

 Hi! Nice to meet you :)

At dahil nag bell na, pumunta na kami ng classroom namin at nag paalam na kay Carlo.

Carlo seems to be quiet. Parang good boy ata. I am interested to know him more pa.

(Classroom)

(Nakita ko si Athena na nag-iisa sa isang sulok)

Oh ba't natahimik ka diyan? Hhmmm. Wag mong sabihin iniisip mo naman si Jack nuh?

      Hindi nuh! Siya? Iniisip ko

Naku Athena. Wag ka na ngang mag deny diyan. Obvious ka eh. Now tell me, anung problema?

      Sige na nga. Kasi nakita ko si Jack may kasamang ibang babae. New student ata dito. Close na sila agad!?

Oh? Eh anong problema diyan? Don't tell me nagseselos ka na agad? Eh sadyang friendly lang yung tao. Tayo rin naman ah, kakakilala lang natin kay Carlo pero close na tayo agad sa kanya.

        Iba naman yung kay Carlo eh!

Okay fine! Pero bestie, diba moving on na tayo? Eh ba't si Jack pa rin?

    Moving on. Madaling sabihin pero ang hirap panindigan. Ikaw ba, wala kana talagang nararamdaman kay Seth? Honesto? Mamatay man?

Pareho-pareho lang naman tayo eh. -_-

       Oh diba? Hay naku. Nakakainis talagang mga asungot na yun. Sana hindi na natin sila nakilala eh.

Hayaan mo na. Karma lang ang katapat ng mga yun. Makakalimutan din natin sila.

Halika na nga. Hinihintay na tayo dun nina Sasha at Ryan.

Alam niyo palagi talagang mga mga moment kaming ganito ng mga kaibigan ko. Ang hirap lang kasi talaga pag bumalik yung sakit na nararamdaman namin. Minsan masaya naman kami, pero kadalasan nalulungkot din pag nag-iisip namin kung paano kami pinaasa, niloko at nasaktan ng sobra.

 <3-<3-<3-<3-<3-<3-<3-<3-<3-<3<3-<3-<3-<3-<3

This is the first chapter of the story I am writing now. The second chapter is coming na po :)

READ.VOTE and COMMENT.

It's up to fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon