Eunice's POV
"No."
Napakagat-labi na lang ako nung bumuka at mag-hugis "O" ang bibig niya. Alam ko namang hindi siya papayag. Bakit pa ba ako nagpapaalam? At bakit nga ba ako nagpapaalam?!?
And oh, those eyes, nananaksak na naman sa sobrang talim ng pagkakatingin sakin.
"Pupunta ka dun, eh baka manyak yun, ma-rape ka lang dun."
Napanganga ako sa sinabi niya. Si Kenneth? Si Kenneth mylabs ko? Si Kenneth ko? Ang team captain ng basketball na crush ng mga girls na kerengkeng sa university namin ay magagawa akong rape-in? OMG. Dream come true!!!
"Edi mabuti." sabi ko
"Tumigil ka nga. Wala kang kasinglandi." Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papalayo.
Ah, itong kausap ko? Siya si Sid, short for Lucindo Llana--ang pinakamalakas mangyamot sa balat ng lupa. Parang guardian angel ang mukha pero may sungay at may dalang malaking tinidor kung makapang-asar sa akin. Best friend ko? Pwede na rin. Sawang-sawa na ko sa mukha niyan! Childhood friend? Yes na yes.
"Grabe ka ha! Wala na akong ibang party na napuntahan dahil sa'yo. Ito na lang ang wish ko, ayaw mo pang payagan." complain ko sa kanya.
"Eh bakit, may iba pa bang party na pwede mong puntahan? May invitation ka ba?"
"Ah basta, pupunta ako sa party bukas, pumayag ka man o hindi! "
Doon siya biglang napatigil sa paglalakad. Pumihit, at humarap ulit sa akin
"Bakit ka naman pupunta dun, eh mga magaganda lang ang uma-attend sa mga ganung events. At bakit? Inimbita ka ba ni Kenneth dun?"
"Oo,noh, tinext ako ni Kenneth..Last Monday pa nga ata yung text na yun eh, para daw makapag-prepare ako. May party daw sa bahay nila bukas."
Lumapit ulit si Sid sa akin.
"Patingin nga ng text sayo. Amin na yung phone mo." sabay hablot sa body bag ko. Mga ilang minuto rin siyang nagkalkal bago niya mahanap ang phone ko. I even heard him murmur about my bag being messy.
Tuluyan na nga niyang tinype ang password para mabuksan ang phone ko. Alam niya ang lahat ng passwords ko--FB, Twitter, Wattpad, Gmail, Yahoo, at ito nga, pati security lock ng phone ko.
"San dito?" Halos magdugtong na ang kilay niya sa paghahanap.
"Amin na nga yan. Hablot kasi ng hablot, 'di naman alam." ako na ang naghanap ng text message sakin ni Kenneth. Nakakahiya naman sa kanya. -_-
Si Kenneth ang all-time crush ko. Since high school. Kaya nga ako napadpad sa univ na to ay dahil sinundan ko siya. May masscomm din naman e. Pero scholar ako.Bakit naman hindi ko siya magiging crush? Gwapo, matalino, mayaman, famous! All-in-one package. Lahat na yata nasa kanya. Purrfect!
"O." inabot ko na ulit sa kanya ang phone.
Ini-scroll pa niya hanggang marating ang dulo ng message. Tinitigan pa niya na parang mine-memorize, hindi tumitigil hanggat walang nakikitang mali. At bigla ding tumigil ng daliri niya sa pagsa-swipe na screen.
"Oh ayan, basahin mo nang maliwanagan ka. Next time, tapusin mo muna ang binabasa mo bago ka kiligin at sumugod dito sa bahay ha?" Pinalahad niya ang palad ko at dun pinatong ang cellphone. Tapos humalukipkip.
FLASHBACK!!!!
♪Sunday morning rain is falling....♫
eee..Maroon 5... <3 .......Monday na naman pala bukas. T_T