Paradiso Rikki

56 3 1
                                    

AUTHOR'S NOTE

Madaling gumawa ng simula. Madaling gumawa ng ending. Madaling gumawa ng climax, pero ang gitna? NGANGA. Dinudugo ako dahil sa body. T_T

Work still in Progress. Nagkatamaran. Pero so far, so good. HAHAHAHA

Collaboration namin to ng ate ko. Ilang taon na tong naka-save sa netbuk at madilaw na yung papel na pinagsulatan nito. Ayun.

CHAPTER 1

"RICARDA!! Ano ba? Tanghali na, bumangon ka na!"

Pakiramdam ni Rikki, "Ricarda" for long, tumatalsik lahat ng tutuli niya sa tenga sa tuwing mag-iingay ang kaniyang ina para gisingin siya. As usual, puyat na naman siya dahil may pinaglalamayan siya. Dati-rati'y pocketbooks ang pinagkakaabalahan niya pero ngayon, iba na-- mga articles na iyon. Nagtataka siya sa nanay niya, alam naman niyang considerate ito sa kanya dahil trabaho naman ang ginagawa niya. Bakit ngumangawa ito ngayon?

"Ricarda, nandito ang ate mo, gusto kang makausap." sabi ng kanyang mudra.

"Ma naman! Si ate lang pala, ba't mo pa ako ginising?" pagmamaktol niya, sabay takip ng unan sa mukha.

"Hoy Rikki, bumangon ka d'yan, magpapasama ako", singit ng magaling niyang ate.

"Grabe! Tanda mo na, magpapasama ka pa?"

"Gaga, susunduin ko jowa ko."

Bigla siyang napabalikwas. "May jowa ka?"

"Inaasar mo ba'ko? Malamang." anang ate niya na parang nagdaramdam.

Nahimasmasan naman siya. Pero bakit? Paano? Sino? Kailan? MAGKANO?

Tila nabasa naman ng ate niya kung ano ang nilalaman ng isip niya.

"FYI, hindi ko siya binili. At bakit ba? Wala na ba akong karapatan? Bilisan mo na't baka magpakamatay na 'yung kuya mong hilaw, mawalan pa ako ng mapapangasawa", litanya nito. 

"OA ng pagka-shock mo anak." singit ng nanay nila. Halata naman ang pagka-inis ng ate niya base sa pagkaka-usli ng nguso nito. Bagamat anim na taon ang tanda ng kanyang Ate Simone sa kanya ay mas mapagkakamalan pa rin siyang mas matanda kaysa dito. Her sister was her  petite version. Kung ang height niya ay umabot ng 5'4", ang ate naman niya ay hindi na lumampas sa 4". Mukha rin itong Intsik; samantalang siya ay kayumanggi ang balat. Nagpapasalamat na lang siya na kahit papaano'y mas maputi pa siya kaysa kay Brianna, ang bunso nilang kapatid, na simula’t sapul ay skinny na ang body built. Apat na taon naman ang tanda niya kay Brianna. Bente anyos pa lamang ito ay sumasabak na sa runway. Tumigil na siya sa pagmumuni at nagsimula nang mag-ayos.

Nang dumulog siya sa hapag ay nandoon na si Ate Simone, si Brianna at ang kanilang ulirang ina, ngunit may kulang.

"Nasaan si Papa?" tanong niya.

"Malamang, kaulayaw na naman ang mga tandang niya", walang anumang tugon ng kanilang ina. Malulungkot talaga ito kapag hindi nakita ang mga manok nito sa maghapon, at tanggap na nila iyon.

"Bakit para kang nasapian?", baling niya kay Brianna. Tulala kasi ito.

"Hindi lang ako makapaniwala na may BF si ate", tugon nito, sabay ngisi.

Pati siya ay napangiti at bumaling sa ate niya na ngunguto-nguto. Sa kanilang magkakapatid, ito ang pinakamasungit at vocal na ayaw mag-asawa. Eh bakit ngayon?

"Walang masama, nasa tamang edad na ang ate nyo, dalaga siya, maganda pa, natural lang na may magkagusto at may manligaw sa kanya." depensa ng kanyang ina

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paradiso RikkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon