GX PARTICLE = isang uri ng sandata ng IRISH na ginagamit sa mga dambuhalang halimaw , kaya nitong tumagos kahit sa matibay na balat ng mga class B
SMOKE BOMB (VIOLET) = isang uri ng pampasabog na naglalabas ng usok na ayaw ng ibang mga halimaw
SMOKE BOMB (GREEN) =isang smoke bomb na nang aakit sa mga halimaw , may chemical itong kaamoy ng isang sariwang laman
7:00AM TUESDAY
MARCH ,25,2014
NAGLULUKSA ANG LAHAT AT NAG IIYAKAN
SHIRO: (isang trahedya ang nangyari sa aming paglabas , di ko naisip namangyayari ito dahil ang sabi puro mahihinang class D lang ang nasa bungad ng gubat , napakasakit sa kalooban marinig ang mga iyak at pagsisisi ng mga taong namatayan)
NAKITA NYA ANG MGA KASAMAHAN NYANG NAKAUPO
AT NAGLULUKSA
SHIRO: (ang tagpong ito katulad ng trahedya noon sampung taon ng nakakalipas , ayoko ng pakiramdam na ito, bakit?)
UMIIYAK ANG ILAN SA MGA KASAMAHAN NYA
SHIRO : ( itinatapon ang mga katawan ng namatay na taong nakagat ng kalimaw , dahil daw ilan sa mga halimaw ay nag iiwan ng virus na nakamamatay sa tao , kaya kahit masakit wala sa mga kasamahan naming namatay ang binalikan para kunin ang mga labi nila )
TINIGNAN NYA ANG ESPADA NYA
SHIRO : (ang pakiramdam ng galit pero wala kang magawa , bakit kailangan ng ganito ? )
TALJIK: bwisit!!!
SINUTOK NYA ANG PADER
TALJIK : bakit nangyari ito? isang class D halimaw kalukuhan, akala ko ba mahuhusay ang isang opisyal ng gobyerno ,bakit nila hinayaan maubos ang mga kasamahan natin? wala silang kwenta !!
EIN :hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan, ginawa nila ang makakaya nila
TALJIK : tumigil ka bakit mo sila pinagtatangol, ang opisyal ang ulo at tayo mga galamay , ang bawat utos nya ay buhay ,nakasalalay sa kanila ang ating buhay , kung naging matalino lang sya ,hindi sana mauubos ang hanay nila
SHIRO : isa raw matalinong halimaw ang nakalaban nila hindi tulad ng kinaharap natin kahapon, ang bawat taktika ay walang nagawa sa kanya ,kahit gaano pa kahusay ang isang commander hindi nangangahulugan di sya matatalo sa isang laban kung ang kalaban nya ay higit pang matalino kesa sa kanilang mga taktika
KARIZZA: tama ang hangal na yan
PALAPIT SI KARIZZA
KARIZZA: walang silbe ang talino ng commander at lakas nito kung ang kalaban mo ay isang halimaw na gumagamit ng isip , lalo na mga mahihina kayo
TALJIK : anong sabi mo
KARIZZA: mga mahihina at pabigat , hindi bagay ang tulad nyo maging sundalo ng irish
GALIT NA LUMAPIT SI TALJIK
TALJIK: binuwis ng mga kasama ko ang buhay nila para sa sinasabi mong irish , namatay silang lahat para sa irish at lumaban para sa irish kaya bakit mo sasabihin na wala kaming karapatan maging sundalo ng irish, KARIZZA: sa pinapakita nyo lalo nyo lang pinababa ang tingin ko sainyo , di kailangan ng irish ang mga sanganong walang utak na ang alam lang magyabang na isa silang sundalo at mandirima ,
DINURO NYA ANG DALIRI NYA SA NOO NI TALJIK
KARIZZA : ang tulad mong mahihina ay bagay maging bantay na lang ng vanguard habang buhay
GALIT NA HINAWAKAN SA DAMIT NI TALJIK SI KARIZZA
TALJIK : hindi ka ba nakokonsensya sa sinasabi mo ? namatay sila ,wala na sila , hindi na muli sila mabubuhay, hindi na nila makakasama ang mga mahal nila buhay , at ikaw ... paano mo nagagawang sabihin na ang kaisaisang bagay na pinaglaanan nila ng buhay ay di mo kayang ibigay,