Xandreia Yu - 7

244 4 0
                                    

Ang bilis ng takbo ng sasakyan.

Nasa front seat ako nakaupo kaya kitang-kita ko kong paano iniiwasan ni Blue yung mga nakakasalubong namin na ibang sasakyan.

Wait.

Si Blue?

Pagtingin ko sa side...

Yeah. Si Blue talaga.

But why in the world am I here with him?

And bakit ganito kabilis ang pagpapatakbo niya sa sasakyan niya?

"I'm sorry Xandra..." narinig kong sabi niya kahit nakatutok pa rin ang attention niya sa pagmamaneho.

"Why are you apologizing, Blue?? And bakit ang bilis ng pagpapatakbo mo sa sasakyan mo?? Hinaan mo!"

Hindi siya nakinig. At kitang-kita ko kung papaano niya niliko ang sasakyan pakanan kaya ngayon eh mababangga na kami sa isang puno.

"BLUE ILIKO MO!!" pwedeng-pwede ko siyang pigilan. Pero hindi ko magawang pagalawin ang katawan ko. "Blue please! Mamamatay tayo kapag hindi mo niliko!"

"I can't. I have to do this. I'm sorry..." binitawan niya ang manibela and hinawakan niya ang isang kamay ko na malapit sa kanya. Then he smiled at me... isang smile na parang nagpapaalam.

No...

No.

NO!!

"BLUEEE!!!"

***

"BLUE!"

Napabangon ako bigla.

Colorful walls, closet, lampshades, collection of books, laptop, bed...

Nandito ako sa kwarto ko.

Wala ako sa loob ng sasakyan.

Walang Blue.

"A dream..."

Napahiga ako ulit.

Huminga ako ng malalim.

"What a dream..."

Bakit ako nagkaroon ng ganoon na dream?

Nakakatakot.

Sa dream na yun, magpapakamatay si Blue.

And idadamay niya ako.

A shiver ran down my spine.

This is a sign.

Walang mabuting idudulot ang Blue na yun sa akin. Tulad nga ng sinabi ni Edward, kalimutan ko na dapat si Blue kasi gago siya.

Edward...

Nawal bigla ang bigat na nararamdaman ko and napangiti ako.

Hindi ko man siya napanaginipan, but at least siya pa rin yung huling taong inisip ko bago ako nakatulog. :)

Eh. Ang cheesy ko. Parang hindi ako. But surprisingly, I like it.

Bigla naman nag-ring yung telephone.

Sino naman ang tatawag sa akin ng ganito kaaga? Pumunta ako sa sala at sinagot ko yung nag-iingay na telephone.

"XANDRAAAA!" sabi nung caller. Alam ko na agad kung sino yun.

"May kailangan ka, Jen?"

"Ang formal mo te! Anyway, bakit bigla kang umalis kagabi? You missed the fun!"

Fun? Baka hell.

"Trip."

"Ang KJ mo!"

"I don't care."

Xandreia Yu (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon