Pagpasok ko sa room nagtaka ako kung bakit hindi na nakaupo si Charles sa gilid ko, “Mas mabuti nga yun.” Sa ginawa niya kahapon asa siyang patatawarin ko pa siya. Biglang napasigaw si May na nakatayo malapit sa pintuan.
“GUYS! punta daw tayo sa garden para maglinis.” –May
Ngrrr…nakakainis , I can say gardening is the worst thingto do. Mas gusto ko pa ngang mag lesson ng Math kasya maggarden. Eh wala naman akong magagawa so susunod nalang ako.
“Krist, sabay na tayo!” –yaya ni Mika
“Oh, sige” –me
Habang naglalakad kami papunta sa garden.
“Krist, balita ko nag-away daw kayo ng bago nating kaklase.” –Mika
“Ewan ko ba kung anong meron ang lalakeng yun, inis na inis talaga ako sa kanya.” –me
“Ano ba ang pinag-awayan niyo?”-Mika
“Basta mahabang kwento, nakakainis nga eh, ang kapal ng mukha.” –me
Tinignan ko si Mika at ngumiti siya na parang nagpapahiwatig crush ko yung Charles na yun.
…Sa Garden…
“Okey class eto yung magiging project niyo ngayon magtanim ng gulay pero ngayon gagawa muna kayo ng plot, but, first ipapartner ko kayo, girls to boys.Okey let’s start.” –Ma’am Sin
“Okey, Ma’am.” –Lahat kami agree
“James and Mika, Darwin and May, Hannah and Allan…Demy and Troy.”-Ma’am Sin
Pagkasabing Josep and Angela kinilig ang lahat, kasi naman, alam ng lahat na crush nila ang isa’t isa except sa kanilang dalawa, Hay buhay. Habang nag tatawanan kaming lahat may napansin akong dulos na natatakpan ng mga dahon, kinuha ko na, para maygamitin kami ng partner ko mamaya.
“SShhtttt…okey class can we continue? –Galit na tanong ni Ma’am Sin
Biglang natahimik ang lahat…
“Yes Ma’am” –mahinang sagot namin
“Okey” –Ma’am Sin
Mukhang na badtrip ata si Ma’am Sin, nakakatakot kasi kapag nagagalit si Ma’am. Kaya yumuko nalang ako at pinaglalaruan ko ang matulis na bahagi ng dulos at nagpatuloy si Ma’am.
“Princess and Tedd, Shane and Paul…Kristine and Charles” –Ma’am Sin
Pagkarinig ko ng Kristine and halimaw, shock nabitawan ko ang dulos at natamaan ako sa paa.
“OUCH!” –me, habang hinahawakan ang paa
“Kristine okey ka lang?” –Ma’am sin habang nakatingin sa akin
“Yes Ma’am” –me
“Okey Daste and Carl and lastly Mika and Greg
Pero ang totoo sobrang sakit ang talim kasi ng Dulos na yun at nasugatan ako ng konte. Nakita ko si Mr. halimaw slash Mr. Demonyo at mukhang pigil na pigil siya sa pagtawa, array! ang sakit talaga ng paa ko.
YOU ARE READING
My mistaken crush (on going)
Teen FictionPaano kung umikot ang mundo mo sa isang tao na hindi mo kakilala dahil sa isang pangyayari? At sa huli malalaman mong hindi pala siya yun...