Bryan POV
Humanda talaga sa akin yung Tamesha na yun! Makikita nya kung sino binangga niya! Kailangan kong paghandaan pagkikita namin bukas. Hindi ko palalagpasin yung ginawa nya! Inubos ko na yung alak sa bote. Pag tayo ko sa mini bar ng kwarto ko, bigla akong nahilo. Shit!
Dumiretso na ako sa kama ko dahil nahihilo ako. Pagkahiga ko, na alala ko na naman yung kaibigan nya at yung pustahan namin.
Throwback XD
Nasa bar kami noon ng mga barkada ko at ng girlfriend ko na si Katy.
"Sir may naghahanap po sainyo sa baba" Napalingon ako sa security guard
"Paki sabi busy ako"
"Eh sir, nagpupumilit po eh. My importante daw po syang sasabihin sainyo"
"Sabihin mo sa susunod nalang sya pumunta dito. May gingawa akong importanteng bagay. Sabihin mo yan sakanya!"
"Sige boss"
Haaay nako! Ganyan na ba talaga ako kasikat at kapogi? Ang dami ng naghahanap sakin para magpa autograph. Hahaha. Ang daming kong fans. Palibhasa pogi HAHAHAHA! Napapa iling nalang ako sa naisip ko ng bigla nalang yumakap sa akin si Katy at nagtanong
"Hon, sino daw yung naghahanap sayo?"
"Ahhh wala yun hon, Isang fan ko lang siguro" Sabay tawa at hinalikan si Katy. Tumugon din naman sa halik ko si Katy. Habang naghahalikan kami, inistorbo na nman kami nung security guard!
"Ano na nman ba?! Diba sabi ko my importante akong ginagawa! Paalisin mo nalang kung sino man yang nilalalang na yan!" Napatingin naman mga barkada ko dahil sumigaw ako. Istorbo kasi to! Kumandong naman sa akin si Katy at hinalikan ulit ako. Nagtatawanan nalang yung mga barkada ko.
"Pero sir kasi...."
" Where is Bryan?!" Napatingin kaming lahat sa nagsalita....
"Witwew! Hi miss!"
"Bryan my chixx ka!"
"Nako Byan! lagot ka kay Katy"
"Bryan, may Katy ka na! Akin nalang yang isa mong chixx!"
Napatayo naman sa kandungan ko si Katy.
"At sino ka naman? Bakit mo hinahanap ang BOYFRIEND ko!?" Si Katy
Hindi pinansin nung babae si Katy. Pinagmasdan ko yung babae, maganda ito. Sexy at matangos ang ilong at malakas ang appeal. Tinignan ko mga barkada ko at titig na titig sila sa babae. Natawa nalang ako. Parang nag lalaway na tong mga mokong na to. HAHAHAHA! Napatayo naman ako at
"Yes miss? Hinahanap mo ako?" Sabi ko.
"Oh! Ikaw ba si Bryan?" Napatango lang ako. Inabot naman ng babae yung kamay niya.
"Hi! I'm Stacey. Nice to meet you" Ngumiti siya akin at inabot ko naman yung kamay nya.
"Hi Staceeeey!"
Hello miss Stacey!
"Shit! Ang ganda mo miss Stacey!"
"Ang sweet ng ngiti niya!"
"Anong maipaglilingkod ko sayo?" tanong ko agad sakanya
"Well, andito ako para imbitahan ka. Hope you'll accept my invitation"
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Hipster
Teen FictionMaporma, rich kid, famous, sexy, maganda, model at makulit. Selfie Queen at medyo bad girl, yan si Tamesha Taylor. Bukod sa mayaman at nag iisang anak ng mga Taylor, magugulat nalang kayo sa hobbies at kaweirduhan ng ating bida. Member siya ng drag...