Tomboy Next Door - Chapter 1 Closure

22 1 0
                                    

Chapter One


THEA'S POV


"Hi Miss!"

"Ang ganda nya!"

"What's your name?"

"Can i court you?

"May i have you number?"


Hindi ko pinansin ang mga lalaking nagtatanong at inilingan ang dami nilang nakapalibot. Iba talaga 'pag maganda. Tss.

Napangiti ako ng makita ko ang babaeng bumubuo ng araw ko at nagpapabilis ng tibok ng puso ko . Napangiti ako. Ako na ata ang pinaka-maswerteng tao sa buong mundo dahil akin sya.

Sa gwapo ko ba namang 'to? Tsk.

Nakakatuwang pagmasdan ang mukha nyang naghahanap. Halatang ako ang hinihintay habang nakaupo sa bench sa tapat ng Coffee shop.

Hindi na ako nakatiis at nakangiting nilapitan sya.

"Hi Angel!"

Agad syang lumingon sa gawi ko at sumimangot. "Ba't ang tagal mo?"

"Sorry na. Traffic eh." Ngiti ko. "Hindi na mauulit."

"Talaga lang!" Nguso nya.

"Halika na." Aya ko.

Hinawakan ko ang kamay nya na syang ikinangiti nya.

"Kanina pa ako kinukulit ng mga lalaki doon eh." inis nya.

"Ang ganda mo kasi eh." Kindat ko.

"Alam ko. Kaya nga nabiktima ka ng charm ko." She giggled.

"Buti naman hindi mo sila pinansin?"

"Hmp! Hindi naman sila kapansin-pansin." Irap nya. "Tsaka loyal ako sayo 'no."

Huminto ako saglit kaya napahinto din sya. Hinawakan ko ang kamay nya at tinitigan sya ng maigi.

"Promise me na ako lang, Angel." Seryosong sabi ko.

Ngumiti sya at Tinapatan ang titig ko. "Promise, Ikaw lang. Promise, tayo lang."



"Miss, o-order ka ba?"

Nabalik ako sa reyalidad ng may kumalabit sa akin.

"Ah, o-oo." Napapahiyang sagot ko.

Ako na pala ang nasa harap ng pila. Kung bakit kasi kanina parang hindi gumagalaw.

Nang matapos na akong um-order ay naghanap ako ng mesa. Medyo maraming tao kaya halos wala na akong maupuan. May nakita akong bakante doon sa pinakadulo kaya doon ako umupo. Karamihan sa mga customer dito ay mga couple at halatang dito nag d-date. Kagaya nalang ng madalas naming ginagawa ni Angel noon nung kami pa. Dito sa Vanilla's Cafe kami pumupunta. Pero dahil wala na kami, ako nalang. I don't know if she still does.

"Here's your order Ma'am!"

"Thanks." Ngiti ko.

Nang mailagay na sa mesa ko ang in-order kong Triple Tuna Salad at Green Tea ay agad kong nilantakan ito. Panahon na siguro para maging matakaw ako. Uso 'yon sa mga Heartbroken. Hindi nga lang ako tataba dahil sa Green Tea pero okay na rin.

 Hindi nga lang ako tataba dahil sa Green Tea pero okay na rin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tomboy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon