Chapter 2 - 1st and 2nd Kiss

2 1 0
                                    

Nagising ako sa kalampagan ng gamit na nagmumula sa kusina. Ano ba? Ang ingay naman e.

Napatayo akong bigla dahil naalala kong mag-isa nga lang pala ako dito.

So, sino yun? Magnanakaw? Jusko. Dali-dali kong kinuha yung tambo para gamiting pang hampas sa kung sino man tong pumasok sa bahay ko.

Pagkalabas ko sa kwarto, nakaamoy kaagad ako ng mabangong niluluto na nanggagaling sa kusina.

Magnanakaw na nagluluto?

Iba na talaga panahon ngayon. Nagtiptoe ako para di marinig ng magnanakaw ang paglapit ko dito.

Sinilip ko ang kusina at nakita ang lalaking magnanakaw na... nagluluto?

At hindi lang yun naka-boxers lang sya. At kahit nakatalikod sya sakin, kitang kita ko kung pano gumalaw ang mga muscles nya sa braso at ang sexy ng likod nito.

Ohmaygulay!

Pano pa kaya pag humarap na sya? Malamang may abs! Namula ang pisngi ko sa naiisip kong ito.

Ano ba Chanelle! Umayos ka nga, magnanakaw yan. Kaya naman kahit pinagpapantasyahan ko na sya sa isip ko.

Tuloy-tuloy pa rin akong naglalakad papunta sa kanya at ng hahampasin ko na sya bigla itong humarap sakin at...

"HIYAAAAAAAAA---"

Bubwelo na sana ako ng biglang...

Nahawakan nya ang tambong ihahampas ko sana sa kanya. Hinapit ako nito sa bewang at ngumiti saakin sa paraang malulusaw ako sa titig nya.

"Goodmorning, honey"

Sabay halik sa mga labi ko ng lalaking estranghero. Omaygad! I cant believe this is happening.

Tumagal ata ito ng sampung segundo bago nagsink-in sa utak ko ang mga pangyayari.

"Waaaaaaaaaaaaaaaa! Huhuhu! Waaaaaaaaaaaaaa!"

Palahaw ko ng iyak. Ang first kiss ko. Huhuhu. Wala na! Ang... ang... ang first kiss ko. Huhuhu.

"Shit. Shit. Shit. Why are you crying honey? Stop please"

Naaaligaga nitong sabi saakin at marahang hinahaplos-haplos ang mga tumutulog luha sa pisnge ko.

Muli ako nitong hinalikan ng mabilis at pinaglapat ang mga noo namin.

"Please stop crying, I cant stand seeing you like that. So please stop, honey."

Natulala ako at bigla ko nalang syang naitulak at sinampal ko ito sa kanyang pingi.

"Kinuha mo na nga ang first kiss ko pati ba naman second kiss ko kinuha mo din! Waaaaaa! Huhuhuhu!"

Nagtatakbo muli ako paakyat ng kwarto at nilock ang pintuan na ito.

Hindi ako makapaniwala. Wala na ang first kiss ko, pati ba naman ang second kiss ko! Inaasam ko pa naman na maranasan ito sa espesyal na moment tapos biglang ganun?

Naglaho nalang bigla ang expectations ko para sa first kiss ko. Huhuhu.

"Nakakainis! Wala na... wala na. Huhuhu"

Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Napatigil ako sa pag-iyak ng maalala ko ang hitsura ng lalaki.

Literal na nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto na ang gwapo pala nung lalaking nagnakaw ng first kiss ko.

Sayang di ko nakita kung may abs. Aish! Ano ba tong mga naiisip ko? Pero ilan kaya? Anim o walo? Hihihi.

Teka naalala ko tinatawag nya kong 'honey'. Shet! Ang init ng pisngi ko sobra.

Natigil ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto at kalaunan ay narinig kong papaalis na din ang yabag ng mga paa nito.

Dahan-dahan akong sumilip at nakita kong may nakahandang pagkain sa sahig at isang note.

Tinignan ko ang pagkain, waffles, bacon and juice tong hinanda nya. Nakakagutom.

Binasa ko muna yung nakasulat sa note...

' Here's your breakfast. Sorry kung nagulat kita. But I wanna say that I did not stole your first and second kiss. It was really meant for me, honey. I will be your third, fourth and so on kisses. For short, your first and last kiss will be just for me honey. Only for me Chanelle.

I love you.

- Cloud '

••••••••••••••••••

Vote and Comment.

Angel-shii©

Plane Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon