Chapter 1: panyo

19 0 0
                                    

Simpleng kaibigan lang siya para sa akin. Alam mo yung tipong pag hindi mo kinausap, hindi ka rin kakausapin. Pero siguro nga may mga panahon na kahit alam ko sa sariling ang tagal na naming magkakilala -dalawang taon na pala nang una ko siyang nilapitan para iabot ang panyo dahil halos kalahating oras na siyang umiiyak sa gilid ng hagdan, tapat ng Classroom namin- pero parang hindi ko pa rin siya kilala. Basag siya noon dahil sa break up nila ng boyfriend. Umupo na lang ako sa tabi at hinintay siyang kumalma.

Dahan-dahang hinatak ang panyo habang kinakagat ang labi para tumigil ang pag hikbing halos mauubusan na ng hangin kaya namumula na ang pisngi. Hinawi ang buhok sabay punas sa mga namumugtong mata na halos hindi na makamulat dahi na mamaga.

May project pa akong gagawin mamayang lunch dahil 20% ng final grade namin iyon kay Ms. Del Mundo -magbabayad na nga lang kami ng mga kagrupo ko sa tropa nila para hindi na namin gawin, pero sayang lang din kasi yung pera.

Hindi ko siya kilala pero habang nakikita ko siyang umiiyak sa tabi ko, may halong awa at galit na nabubuo. Naawa ako kasi kahit wala ako sa posisyon niya ngayon, alam kong masakit. Nagagalit ako kasi hindi naman niya dapat nararamdaman ito.

Sa mga oras na iyon ang nagawa ko nalang ay tapikin ang kanang balikat at sabihing "okay lang yan", bahagyang umusog ng mas malapit para ipakitang hindi siya nag-iisa dito.

Tumunog na ang bell para papasukin ang mga estudyante dahil tapos na ang kinse minutos na nakalaan para makapagpahinga sa tatlong oras na klase. Iba't-ibang subject. Kailangang nguyain lahat ng impormasyon kahit halos wala ng pumapasok sa utak.

Mabilis lumipas ang isang buong araw sa San Lorenzo National High School, isang paaralan na may 300 na estudyante na pilit hinuhubog ng sampung Subject Teachers na nakikipag kita sa 40 na bata kada classroom. Malapit ng matapos ang Second Quarter, komportable na ang isa't isa kaya hindi na nakikinig dahil magpipicture naman ng lesson at isesend sa group chat. Nakakabuo na sila ng tawagan at may mga inaabangan na sa labasan. Dalawang bagay lang naman ito. Pwedeng yung crush nila na gustong masilayan kahit buong araw ng palihim na tinitingnan o ang mga kalaban sa Fraternity na nauuwi sa habulan kaya may mga Tanod ng nagroronda para maipa Baranggay agad. Hindi naman lahat ng nag-aaral sa Lorenzo ay sumasali sa Frat. Mga transferee daw ang may barkadang basagulero. Catholic School ang Lorenzo. Dapat magsimba kada unang araw ng Miyerkules bago magsimula ang klase dahil requirement sa Religion subject.

Pagtapos ng unang pagkikita, binalik niya sa akin ang panyo sa paraang hindi mo aakalain. Pagbukas ng locker kinaumagahan, may nakatuping papel sa gilid ng mga notebook na halatang hinulog lang sa siwang ng lagayan na ito. Malinis ang pad paper na may note na nakasulat gamit ang violet na tintang wika ay "Thank you for the hanky yesterday. Meet me at AVR by 5:30 p.m."

Mabilis lumipas ang isang buong araw dahil paulit ulit lang ang mga ginagawa, may ipapabasa, magsusulat, magpapa recite, makikinig. Bandang tanghali lang talaga ang mahirap. Dito kasi ituturo ang History na kailangan makinig lang kung paano sinubukang sakupin ng Mongolia ang China habang tirik ang araw at hindi ako abot ng electric fan dahil nakapwesto sa likod at tabi ng bintana. Habang tahimik na nakikinig, hindi ko maiwasang tumingin sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga nang-aakit na mga dahon ng santol na nagsasabing lumipad ka palayo dito, tinatanong sa sarili kung ano kayang magandang posisyon pag nabuhay din ako sa panahon nila Mogul Khan.

Ayaw kong mamatay agad kaya hindi option ang pagiging swordsman kasi syempre paktay ka agad noon. Kaya mas gusto kong maging archer, at least iyon, nasa Wall ka at pwedeng tumakas kapag nagkagipitan.

Sa gitna ng paglutang sa klase nagulat ako nang tumunog ang bell, 5 pm na at simula na ng mga may indignant galawan. Kaya nagmadali papuntang CR dala ang bag sabay labas ng Gel at pabango para maghanda sa pagkikita namin sa AVR.

Ako si Liro Sandoval at ito ang kwento ko

Unravel: Living Beyond Closed WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon