Mahal ngayon ay malaya kana,
Malaya kana sa pagkagapos ng ating pagmamahalang magkasabay nating binuo noong mga panahong ako pa ang kasama mo.Naalala mo pa ba yung ikaw at ako?
NOONG TAYO na sabay na maghahanap ng solusyon sa mga problemang dumadating.
Tila ba parang huminto ang mundo ng mula sayo’y marinig ko na “Pagod kana” “Ayaw mona”
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong may kasama kang iba.
Salamat sa mga panahong pinaramdam mo sa akin ang mga salitang “Mahal kita”
na kung dati ay ayaw kitang pakawalan ,ngayon pinapalaya na kita
nakita ng aking mga mata na msaya ka sa piling ng iba. Ngunit bakit ganon na pawang ang aking mga luha ay bumuhos na parang walang tigil.
Binabalikan ang dati nating mga usapan na noon ay ang saya-saya,nagdudulot ng luha sa aking mga mata.Gusto ko sanang mag reklamo kung bakit nasa iba kana,naalala ko sakanya ka na pala.
Pilit kong ibinabaon sa utak na ‘Palayain mo na siya dahil mas masaya siya sa iba. Nakulong ako sa mga pangako mong akong lang,Ako lang ang mahal mo at wala ng iba.
Kinulong ko ang sarili ko sa iyo, Sinarado ang pintuan ng puso upang walang makapasok na iba sapagkat ang tanging kagustuhan ko lamang ay tayong dalawa. Pinapalaya na kita dahil sa bawat araw na wala ka sa aking tabi kahit sa iyong pag uwi ay ramdam kong ayaw mo na,
Hindi ka na masaya.
Matagal ring nanahimik na kahit masakit,pero bakit pa pala tayo maguumpisa muli kung sa umpisa palang ay gustong gusto mo na itong tapusin?
Salamat sa sakit na pinaramdam mo.. salamat sa lahat ng ito.. minsan akong naging tanga at nasaktan sayo.
Kaya Mahal, palalayain na kita. Hindi dahil hindi kita mahal, kundi kailangan kong mahalin ang sarili ko dahil ubos na ubos na ako.
Mahal na mahal kita, pero tama na.Ang sakit sakit na.
Ngayon malaya ka na.