Habang ako ay nakaupo
Sa isang maliit na jeepney
Ako ay napayuko
Napansin ang mga paa
Ng katapat ko na batang babae
Sapatos niya ay gamit na gamit
Halos madudulas na
kapag iyo'y niyapak
Kay kulay tsokolate,
Matanggal tanggal na ang disenyo
Ng orihinal na hitsura
Sabay aking napansin
Ang mga paa ng batang babae
Ilang yapak na ba ang kanyang nagawa
Sa buong magdamagang araw
Kasama ang kanyang ina ba o lola?
Ilang kalsada na ang dumumi sa mga maliliit na paa?
Halata, paa pa lamang kung gaano siya pagod
Halata sa ina o lola na katabi na gayun din ang kalagayan
Ang pagod sa palipat lipat
Dala lamang kakaunting damit
Saan kaya ang kanilang patutunguhan?
Kailan kaya makakapahinga ang kanilang mga paa?
Kailan kaya mapapalitan ang kanilang mga lumang sapatos?
Kailan mahahanap ang huling hantungan?
Kailan malilinis ang maduduming paa?