Present day.
"Tulala ka nanaman."
Napatingin ako sa nagsabi non. Ngumiti ako at yumuko. Pinagpatuloy ko yung pagsusulat ko ng notes.
"Naaalala mo nanaman siya?" Sabi ni Dan, kaklase ko. Tumingin ako sakanya at ngumiti.
"Masakit pa rin eh."
"Wag ka na ngumiti diyan, malungkot pa rin mga mata mo." Umiiling na sabi nito.
Biglang lumungkot yung mukha ko. Oo nga naman. Wag ka na kasi magpanggap na masaya ka.
Masakit pa rin. Mali. Masakit talaga. Sobrang sakit isipin na wala na siya sakin.
"Wag kang umiyak." Galit na sabi nito.
Hindi ko na napigilan at bumuhos na yung luha ko. Yumuko ako agad. Buti na lang, busy lahat ng kaklase ko at hindi nila ako napansin.
"Babalik yun. Maniwala ka sakin. Kailangan niya lang ng oras." Payo nito.
Di ako umaasa na babalik siya pero alam ko sa sarili ko, talagang umaasa ako na babalik siya. Nasa pagitan ako ng "babalik siya" at "hindi na siya babalik". At sobrang hirap.
"Mahal ko pa rin siya." Bulong ko. "Kahit bumitaw na siya, hindi ko magawang bumitaw rin.."
"Ganon talaga. Mahal mo eh."
Tama, mahal na mahal ko eh. Kaya hindi ko magawang bumitaw. Kaya hindi ko magawang sumuko. Kasi nga, mahal ko.
"Suot mo pa rin yung binigay niyang singsing?" Tanong niya.
The ring where his promises are kept. Tinanggal ko na sa kamay ko yung singsing na binigay niya, ginawa ko siyang pendant. Para sa ganon, maramdaman ko pa rin siya - na andito pa rin siya sa puso ko.
Sobra niya kong tinaas sa ere na nakalimutan ko na kung ano ang pakiramdam nang nasa baba. Pero kahit anong gawin ko, umaasa pa rin ako. Umaasa pa rin akong babalikan niya ako sa taas.
Siya lamang ang gusto ko. Siya lang.
"Teka... Pano nga ba kayo nagkakilala?" Tanong ni Dan.
Ngumiti ako ng malungkot. Handa na ba akong bumalik sa simula? Handa na ba ulit akong ikwento kung paano kami nagkakilala?
Handa na ba ako?
BINABASA MO ANG
Ikaw Lamang
Teen FictionSimula nang makilala kita, nagbago ang takbo ng mundo ko. Naramdaman kong muli ang tunay na saya. Masyado mo akong tinaas na nakalimutan ko kung ano ang pakiramdam kapag nasa ibaba. Tinaas mo ko pero ang hirap pala maiwan sa ere. Sa lahat ng nakilal...