Walang Hanggan

181 0 0
                                    

Sa pagmulat ng aking mga mata,
panibagong pagsubok at mga problema.
May mga bagay na dapat gawin,
pero takot akong harapin.

Ngunit sayong pagdating,
aking mundo 'y tila nag iba.
Nagbago ang malungkot sa masaya.
Nagbago ang malungkot sa masaya.

Nakilala kita.
Nakita kita.
At para bang ito 'y kakaiba.
Na tila ba ito 'y kaduda-duda.
Hindi ko namalayan na gusto na pala kita.

Ang bilis ng panahon, mahal na kita.
At sa paglipas nito, ayoko ng mawala ka.
Dahil baka di ko makayanan pa.

Nahulog ako sa tulad mo. Tulad mo na kakaiba.
Ngunit para bang sobra na.
At para bang mali na.
Hindi ito tama.

Ipinagpilitan ko yung saril ko,
masyado na ata.
Naging makasarili ako sa pag ibig na 'to.
Ibinigay ang lahat. Mahalin mo lang.
Pero hindi ito sapat.

Akoy naging sakim.
Mga pananaw ay nagdilim.
Sa kagustuhan kong ito, nasira ko ang buhay mo.

Ang akala 'y masaya.
Isang bangungot lang pala.
Nagdilim ang mundo ko.
Nawala yung ikaw at ako.
At ang bilis ng panahon.

Nagkaroon agad ng iba ang puso mo.
Maraming tanong sa aking isipan.
Mga tanong na walang kasiguraduhan.
Tanong na walang kasagutan.
Tanong na may pag aalinlangan.

Bakit iniwan ng nag iisa.
Luhaan at sugatan.
Durog na durog sa aking pag iisa.
Kaya sayong paglisan,
May mga bagay at maraming bagay akong natutunan.

Kahit bigo sa aking kagustuhan, tuloy parin ako.
Handang ipagpatuloy, lahat ng nasimulan ko.
Sa paglipas ng panahon, augat ay nag hilom.
Alaala ay ibinaon.
Sa kahapong panahon.

Ito parin ako.
Patuloy na umaasa.
Umaasa at umaasa.
Umaasa sa muli mong pagbabalik.
Dahil naniniwala ako, na babalik ka.

Upang ipagpatuloy ang nasimulan nating dalawa.
Lumipas ito hanggang sa wala na talaga.
Wala na talaga.
Wala ng pag asa pa.

Ginawa ko na ang lahat.
Pero mukhang tama na.
At hindi na talaga pwede pa.
Muli, nadurog ako.
Sa pangalawang pagkakataong sinubukan ko,
nadurog muli ang puso ko.
At paulit ulit na nadudurog ang puso ko.

Tila ba wala lang sayo.
Na tila ba anong pake mo.
Oo nga pala.
Ano nga bang pake mo.
Paulit ulit nalang.
Hanggang sa tuluyan ng naglaho.

Naglaho pati ang pag asang babalik ka pa.
Naglaho ang pag asang baka meron pa.
Siguro hindi nga talaga.
Hindi nga talaga tayo ang para sa isa 't isa.
At kailangan ko ng kalimutan ka.

Gustuhin ko man.
Pero hindi ko magawa.
Dahil ang puso ko ay para bang nawawala.
At hindi alam kung ano ang tama.

Gabi gabing iiyak kasama ang larawan mo.
Gabi gabing luluha kasama ang ala ala mo.
At gabi gabing mamamatay ang puso ko,
sa patuloy mong paglayo sa mundo ko.

Nangako kang hindi ako sasaktan.
Nangakong hindi ako iiwan.
Naipit ako sa mga pangakong binitawan.
Kaya heto, patuloy na lumalaban.
Kahit hanggang dulo handa akong lumaban.
Mapatunayan ko lang ang aking nararamdaman.

Masabi mo lang muli na ako lang.
Masabi ko lang muli na "mahal kita.".

Dahil patuloy kitang ipaglalaban sa kawalan.
Patuloy kitang mamahalin hanggang sa katapusan.
At patuloy parin ako sa nasimulan.
Patuloy lang, sa Walang hanggan.

-Jeric James C. Viernes

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang hanggan (Spoken poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon