Lindsay Point of View :
Pagkatapos kong madulas at pagtawanan ng mga classmate ko , nagpag pasyahan kong pumunta sa Clinic, ipapacheck kolang yung pwet ko baka kasi nabukulan e. Jk. Pina lagyan ko lang ng bandage yung mga gasgas ko,
Nakakainis naman kasi , sino bang tanga ang magtatapon ng NIPS sa harap ng pintuan diba? ,gawin ba namang basurahan yung harap ng pintuan.
( Riiing Riiing Riiing )
Lumabas nako ng room , syempre tinitignan ko na yung dadaanan ko baka madulas na naman ako ,
Ang tagal namang maglabasan nila Stepanie , gutom na ko e, maglalaro nga muna ko ng Candy crush !
" Bhe ! " sabay sabi ng mga Girl’Friends ko ,
" Sh*t , na End game tuloy , malapit ko ng matapos yun e . " pagalit kong sabi sa kanila pano ba naman kasi ,ilang linggo ko ng nilalaro yun, di ko pa din matapos tapos .
" adik " - Girl’Friends
"Kumain na nga lang tayo " -sabi ko sa kanila
*** Cafeteria
Habang kumakain kami daldal ng daldal si Shela Mae tungkol sa One and Only nyang crush ,
" oh guys mauna nako, may practice pa si Ace my loves " sabay takbo papunta sa Gym , Shela Mae di ka padin talaga nagbabago baliw ka pa din , " hay nako, baliw na talaga, sya "- stepanie
" nag salita ang di baliw sa pag ibig ,sino kaya ang nagbabalak ng gayumahin si Prince Lee dati , kung di pa namin pigilan ay di magpapaawat " pang aasar ko , hahaha .. weak nya kasi si Prince Lee, kaya di na yan makakakibo pa
" Whatever, aalis na nga ako,kaBV kayo " padabog na umalis si stepanie , basta talaga tungkol kay Prince, ang bilis nya magalit , ayaw na ayaw nya kasi na nababanggit yung Name na Prince Lee naalala daw nya yung mga katangahan nyang nagawa noon.
" na below the belt ko yata si SheMae " sabi ko kay ... lintek na yan , iwan daw ba ko dito ,
Tumayo na din ako , babalik nalang ako sa Room ko . Malapit na din kasi magsimula ang klase ko
Dumating na si Sir. Dee Puyat , English teacher ko, pero tungkol sa Love yung topic namin, Ewan ko ba kay sir, masyadong kinareer yung pagiging Dr. LOVE nya samantalang teacher yung Degree nya ,
kaya ayun gising na gising yung mga classmates ko na Brokenhearted e. Tas minsan nagiging Cupid pa yan, kaya minsan quiet lang ako sa Subject na yan para di ako nagiging Hot Seat,
may pagka cheeseMoso din kasi si Sir tungkol sa Lovelife e
buti nga e, di naging gay si Sir, kung nagkataon , laki ng panghihinayang ang magaganap , Super pogi pa naman ni Sir. Buti nalang nakilala nya yung Ate ko . Hahaha ..
Nagsulat lang si Sir. ng Assignment then ayun nag daldalan na sila,
di naman kasi ako makikilala ni Sir. Dee bilang kapatid ng asawa nya, kasi nung nakita nya ko, hagard ako , LoL. Bagong gising kasi ako that time, syempre messy hair pa ko nun ..pero di naman ako tulo laway , Grabe huh!
" Sino ang never pa nag kaboyfriend or Girlfriend jan?" - Sir Dee
Patay !
" Sir si Lindsay po " sabay turo sakin, oo lahat sila tinuro ako! Grabe huh? alam ko namang NBSB ako pero sana wag na nilang ipagsigawan diba? , kung makaduro naman tong mga classmates ko akala mo , suspect ako sa pagpatay kay Rizal .
