Ako nga pala si Razelle San Diego isang simpleng babae na lumaki sa pangangalaga ng aking lolo’t lola namatay kasi ang mga magulang ko noong bata pa daw ako sabi nila lola kaya hindi ko naranasan ang magkaroon ng kumpletong pamilya ‘yung may nanay at tatay .Kahit gano’on masaya naman ako sa buhay ko ngayon with them kahit maraming problema at mahirap ang buhay nagagawa pa rin naming ngumiti sa araw araw na hamon ng buhay.
Ako ay 4th Year High School student sa Lee Academy .
Oo tama nga kayo isa itong school na kung saan makikita ang mga sosyal at mayayaman na estudyante sa buong Pilipinas in short private school. Scholar ako dito simula nung elementary ako .Anyway, ako nga pala ang President ng school council dito friendly kasi ako at matalino din. Ang isa kong kinaiinisan sa loob ng school ang pagiging PDA ng mga magsyota sa school nakakairita kaya iyon akala mo naman walang nakakakita sa kanila.“Bhest, narinig mo na ba ang balita na may bago tayong kaklase ?” pambungad na salita ng bestfriend kong si Precious habang paupo ako sa upuan ko .
“Oh? Sino naman ? Babae o lalaki ?” tanong ko.
“Ewan ko eh narinig ko lang kasi sa mga kaklase natin” binatukan ko nga nagkekwento tapos di alam ang buong information.
“Baliw ka talaga , chismosa ka din eh noh magchichismis ka na nga lang hindi pa buo ang detalye”
“Sorry naman bhest” sabi niya tapos bigla namang pumasok ang adviser namin at may kasama siyang matangkad at gwapong lalaki , siniko naman ako ni bestfriend.
“Hala ! bhest siya ata iyong transferee ang gwapo niya kinikilig ako”
“Hoy! Babaita may boyfriend ka na huwag ka ng lumandi diyan .” sabi ko para kasing baliw.
“Ay oo nga pala, pero bagay kayo bhest yiieee chance mo na yan para mag ka boyfriend ka na.” pangaasar niya sa akin as if naman magkagusto yun sa akin. Hindi nalang ako umimik.
Pinakilala na ng adviser namin ang lalaking kasama niya siya pala ‘yung transferee na kinikwento ni bhest. Keith Evangelista ang pangalan niya pagpapakilala ng adviser namin hindi man lang siya umimik o nagsalita man lang dire-diretso lang siyang pumunta sa isang bakanteng upuan sa tabi ng bestfriend ko at umupo ,kilig na kilig naman ‘tong si bhest. May napansin ako sa lalaking yun ang mysterious niya at masyadong tahimik .
Maya-maya pinansin ni Precious si Keith tumingin naman ito sa kanya pero hindi ito nagsalita nadismaya tuloy si Precious akala niya kasi madaldal katulad ng boyfriend niya.
“Bhest, ang weird naman nitong Keith na ‘to tumungin lang hindi man lang nag “hi” sa akin .” bulong niya sa akin .“Oo nga eh ,gwapo nga pero hindi naman ata friendly sayang naman” pagsangayon ko sa kanya at tumingin kami sa nakaupo at tulalang si Keith.
“Hay! Nako huwag nalang natin siya pansinin para siya ang pumansin sa atin hahaha”sabi ni bhest.
“Sige, but wait naayos mo na ba yung project natin para sa Student Equality .”
“Oo naman ,ako pa ba ? next month na natin gagawin ang project na iyon” by the way siya pala ang secretary ng student council namin.
“Very Good!” nag thumbs up ako sa kanya.
Natapos na ang klase namin sabay kaming umuwi ni bhest malapit lang naman sa school ang mga bahay namin. Pagkadating ko sa bahay nakita ko sila Lolo at Lola na nakaupo sa sala at nanunuod ng TV .
Nagmano ako sa kanila at dumiretso na ako sa kwarto ko para magbihis binuksan ko ang laptop ko bigay sa akin ng tita ko na nasa abroad , siya ang sumusuporta sa pagaaral ko at sa pamumuhay namin nila lola wala naman kasi siyang pamilya.
BINABASA MO ANG
" MUTE " (One Shot)
Short StoryKahit mawala man ng boses ang mga taong nasa paligid mo malalaman mo pa rin kung sino ang mamahalin mo kapag pinaramdam niya sayo na mahal ka niya. Hindi naman sa salita nalalaman kung mahal ka ng tao eh nasa gawa at kung paano niya ipaparamdam iyon...