Chapter 16

1.2K 70 14
                                    




"Tinawagan mo si Hubby mo?" muntik mapatalon si Kathryn sa sobrang gulat ng marinig ang boses ni Khalil. Lumilipad kasi ang utak niya sa pag-a-analyze kung bakit ganon na lamang ang reaksiyon ni Daniel.


"Sira! Pati ikaw nakikitawag na din ng hubby dun." pinilit niyang ngumiti. She inhale! The feeling Daniel is giving her is so intoxicating. Nakakalasing! Pero alam naman niya na biruan lang ang lahat. Ayaw niyang umasa, ayaw niyang tuluyang malasing sa pakiramdam na yun.





"Ha ha ha! Narinig ko kasing tinawag mo siya sa endearment na yan! Nakakainggit nga eh." napakatamis ng ngiti ni Khalil. Naiiling na lamang itong pinagmasdan ng dalaga. Sa totoo lang, mula kanina pa niya napapansin ang mga palipad hangin ng lalaki, but she just chose to ignore him. Hindi na nga niya alam kung paano tatanggapin ang kakaibang trato sa kanya ni Daniel, magdadagdag pa ba siya ng isa? And besides, she doesn't like to appear so assuming. Malay mo naman, baka palabiro lang talaga si Khalil.



"Khalil, may question ako!" pagkuway tanong niya sa lalaki. Tingin niya ay maari siyang matulungan ng binata sa pagaanalisa sa gumugulo sa kanyang isip.





"Shoot! Ano ba yun?" naupo ito couch na nakatapat sa kanyang kinauupuan.





"A-ang mga lalaki ba talaga, mga possessive?" there! she have expressed what's been bothering her mind.





"Hmm, depende!" sagot naman ni Khalil. Pinagmasdan ito ng dalaga. Siguro kung nauna niya itong nakilala, marahil nagkaron siya ng crush dito. Gwapo ang lalaki, maamo ang mukha. Ang mga mata ay mapupungay, red lips pa. Wait! Kung nauna niyang nakilala kaysa kanino? Kaysa kay Daniel? So, ibig sabihin, may crush siya kay Daniel? "aminin mo na kasi girl! crushable naman talaga si Papa Daniel." panunudyo na naman ng isang side ng kanyang isip.




"Depende saan? Pls. enlighten me, Mr. Gomez!" birong tanong niya kay Khalil.




"Ganito kasi yan, Ms. Bernardo! Pag hindi namin type ang babae, never a chance na magiging possessive kami. In fact, mas gusto nga namin na hindi sila dikit ng dikit sa amin. Wala kaming pakelam sa gagawin nila o sasabihin nila. Ayaw namin ng commitment."




"Wow ha! Ang gwa-gwapo nyo! Tseeeee!" Kathryn rolled her eyes to Khalil. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng binata dahil sa kanyang ginawa.




"Hey, stop rolling your eyes to me!"





"At bakit? ha? ha? ha?"


"Because you are too cute when you're doing that! It can be very distracting." Khalil sincerely utter. Natulala si Kathryn dahil sa kaprangkahan ng lalaki. And just like the usual, she flushed!




"O siya sige, tama na bola mo! Tuloy mo na ang explanation mo." ani niya upang mawala sa kanya ang mga mata ng binata. Naiilang kasi siya sa mga titig nito. Which reminds her, sinabi nga pala ni Daniel yun, yung tungkol sa tingin sa kanya ni Khalil.





"Yeah, but anyways, iba naman ang story pag gusto namin ang isang babae! We are very territorial. Pag gusto namin ang isang babae, we can be very possessive! Gusto namin, sa amin lang siya. And I tell you, it can be very annoying. Eh teka, ba't mo ba tinatanong sa akin?" hinimas-himas pa nito ang baba na kunwari ay nag-iisip din kung ano ba ang rason ng kanyang pagtatanong.





"W-wala naman! K-kasi my friend ako, g-ganyan yung situation. N-natanong ko l-lang, you know for conversation." pakiramdam ng dalaga ay nagkanda buhol buhol ang kanyang dila sa pagpapaliwanag. Ganon na talaga siya ever since, pag nagsisinungaling or defensive, she tend to tongue twist. Nagulat siya ng biglang lumapit sa kanya si Khalil ang gulu-guluhin ang kanyang buhok.





SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon