Chapter 6: Magkatabing kwarto.

3.4K 108 86
                                    

Batid ni Paul na posibleng mangyari ang bagay na ito, subalit hindi niya ito inaasahang mangyari ngayon.

Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kaniyang telepono. Agad naman niya itong kinuha at kalaunan ay mabilis na sinagot ang tawag.

"Hello Paul? Nasaan ka ba ngayon? Bakit bigla ka na lang nawala!?" Sambit ni Iris.

"Pasensya na, pero naalala mo pa ba yung nakwento ko sa inyo about sa pag-alis ko ng bulacan?" Sambit ni Paul.

"Alin? Wait!! Don't tell me na nasa malolos ka ngayon!?" Sambit ni Iris.

"Ganon na nga! Nandito ako ngayon sa crossing. Mukhang kailangan ko na nga yatang magpakunsulta sa isang albolaryo." Sambit muli ni Paul.

"Nakakainis naman! Hindi ko aakalaing totoo pala yung mga sinabi mo dati." Sambit muli ni Iris.

"Sorry talaga! Mabuti pa ay wag nyo na akong isipin pa, tutal naman nandito lang ako sa malolos. Ang mabuti pa ay babalik na ako sa bahay, balitaan nyo na lang ako tungkol sa kalagayan ni Kate." Sambit muli ni Paul.

Matapos magsalita ay ibinaba na ni Paul ang pagtawag at kalaunan ay naglakad na papauwi sa kaniyang bahay.

Mabalik naman tayo sa magkakaibigan. Kasalukuyan na silang naglalakad patungo sa isang sikat na fastfood chain, upang dito sila kumain para sa kanilang tanghalian. At makalipas lang ang ilang minuto ay kasalukuyan na nga silang kumakain.

"Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari ngayon kay Paul. I guess someone cursed him." Sambit ni Amy.

"Ako din. Akala ko nung una ay kwento lang yung mga nasabi sa'tin dati ni Paul. Yun pala, mga totoong nangyayari yon sa kaniya." Sambit ni Julia.

"We should do something for Paul sa pag-uwi na'tin." Sambit ni Eula.

"We must! Pero kinakabahan ako about sa kalagayan ni Paul ngayon." Sambit ni Iris.

Makalipas ang kalahating oras ay kasalukuyan ng nakasakay sa isang taxi ang magkakaibigan at patungo na sila sa ospital kung saan naka-confine ang katawan ni Kate. Sa sobrang traffic ng araw na ito ay halos inabot sila ng kahalating oras sa byahe bago sila makarating nang ospital. Sa loob ay agad nilang hinanap ang kwarto ni Kate, alam na ito ni Iris dahil kinausap muli niya ang nanay ni Kate kagabi nung makauwi siya ng kaniyang bahay.

Hindi naman nagtagal at narating na ng magkakaibigan ang room 405. Sa kwartong ito kasalukuyang naka-confine ang katawan ni Kate. Sa labas ng kwarto ay agad nilang nakaharap ang nanay nito, sandali silang nag-usap at kasabay na nito ang kanilang pagpapakilala. Matapos noon, kasama si Catharina ay agad na silang pumasok sa loob upang tingnan ang kalagayan ng kanilang kaibigan. At kahit batid na nila ang mga malalaman ay hindi pa rin nilang magawang maniwala sa kanilang nakikita. Walang dudang si Kate Delos Santos na naging kaibigan nila ang nakahiga sa kama, subalit ang kaibihan lang nito sa matalino at mahiyain kaibigan ay matagal na itong nandirito at mahimbing na natutulog.

"Maraming salamat sa pagdalaw sa anak ko." Sambit ni Catharina.

"Pasensya na po kayo kung biglaan ang pagpunta na'min dito." Sambit ni Julia.

"Hindi, okay lang. Nagpapasalamat pa nga ako sa pagdalaw nyo. Matagal na kasing walang dumadalaw na kaibigan itong si Kate. Pero maitanong ko lang, papaano nyo nakilala ang anak ko?" Sambit muli ni Catharina.

"Sobrang bait at matalino po si Kate. Sa BulSU po na'min siya nakilala." Sambit ni Iris.

"*Ahh! Siguro mga nakasabay niya kayong nag-enroll o nag-exam, tama ba?" Sambit muli ni Catharina.

Magkatabing kwarto [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon