Chapter 1

4.7K 17 6
                                    

Sham's POV

"Mr. Cruz! ANUBA!? Ibigay mo na kasi yung libro ko! mag-aaral pa ako eh! PWEDE BA!? Nakakainis ka na! Ugh!" napasalampak ako sa sahig. Umiyak na naman ako.

"Yan, kasi... iyakin! BWAHAHAHA!" pinagtawanan pa ako ng barkada niya. May iba tinitignan lang ako. Yung iba napapatawa na rin. 

Lagi na lang. Lagi na lang niya akong binubully.

"Mommy, ayoko na po"

"Mommy daw oh! Mommy! Alam mo Sham, 4th year (HS) na tayo pero, ganyan ka pa rin umasta? Anuyan? HAHAHA!" at tumawa na naman ang barkada niya. Hagalpak to be exact. 

Umiiyak na nga yung tao pero ganyan pa rin sila makaasta. Sumusobra na sila.

"Itigil niyo toh." may narinig akong lalakeng nagsalita galing sa likod ko. Hinawakan niya yung balikat ko at hinarap ako sa kanya. "Okay ka lang miss?"

Umiling ako bilang sagot.

"Tignan niyo, hindi okay yung tao pero kung umakting kayo para kayong walang pinag-aralan. Puro naman pagkain nasa katawan niyo tapos pangbubully yung tinatae niyo! Imbis na mag-aral kayo, puro pagkakatya yang mga ginagawa niyo. Palibhasa ang tataba niyo naman!" heto na, napatawa na lahat ng nakarinig. Natatakot ako kasi baka saktan siya ni Raphael.

"Kuya tama na po. Okay na po ako" napatingin sakin yung kuya at umiling-iling lang siya.

"Ang gulo ng buhok mo oh. Sige, teka lang" tumayo siya at sumenyas kila Raphael na susuntukin niya silang lahat. Nabitawan naman ni Raphael yung mga libro ko at kinuha ulit. "Ibigay mo sakin yan" agad naman nilang binigay yung mga libro ko sa kuya at pumadyak siya. Nagsitakbuhan naman yung mga matataba.

"Heto na yung mga libro mo. Kaya mo bang tumayo?"

"O-opo" tumayo ako pero nabuwal din. Oo nga pala, sa sobrang taba nung mga yun, tumalsik ako at saktong napa-upo ako, naupuan ko pa yung mga paa ko. Tss, malas ko talaga kahit kailan.

"Buhatin na kita"

Binuhat na niya ako. Habang ako, hawak-hawak lang yung mga libro ko.

Dumating kami sa library. Ewan ko nga kung bakit eh.

"A-ano pong ginagawa natin dito?"

"Wala, feeling ko kasi mag-aaral ka. Sinabi mo kasi yun kanina, Sham"

"Huh? Paano mo po nalaman yung name ko?" bigla naman niya tinaas yung nametag ko. "Ahhh.. Eh ikaw? Ano pong name mo?"

"Ako si Roman. 4th year na ako, ikaw?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moment of Pleasure [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon