Batas Militar ating talakayin
Ano nga ba ang kanyang tunay na layunin
Kapayapaan sa bayan ba ang kanyang mithiin
Ating alamin ng malaman natin ano ang dapat gawin
Maraming tao di sumang-ayon sa pagdiklara
Pero kadalasan sa kanila taga-Manila
Rally dito rally duon, parang mga tanga
Kaya ayan, sila ang sentro ng kutya
Di ko alam kong anong pinaglalaban nila
Kapayapaan ng bayan ba
Oh, sariling interes ng nag-utos sa kanila?
Nakakalito diba?
Di ko pa pala nasabi kung bakit ko ito sinang-ayonan
Kung ito'y para sa kapayapaan
At sa ikauunlad ng bayan
Eh, tinatanong pa ba yan?
Ang tunay lang namang takot sa batas
Ay yung mga mandurugas
Pamimili ng ano-anu, sa pera ba naman ng bayan kinakaltas
Sana nga lang ay mahulog na sila sa anim natalampakang butas