Chapter 7

20 0 0
                                    

Nick's POV

Papunta kami ngayon ni Khai sa loob ng bahay para gamotin sya. Hay yan tuloy nakadamay pako.

Nung nakarating na kami sa loob pumunta kami ng sala at pina-upo sya sa sofa at kinuha ko naman ang medical kit.

"Sorry ha nadamay ka pa tuloy." -Ako, habang nag lalagay ng betadine sa cotton.

"Eh ka pa kasi nagta-tapon ng cellphone yan tuloy natamaan ang maganda Kong ulo." -Khai.

"Bakit ka naman nandun? Ini-stalk mo ko nuh?" -Ako, Sabay tawa ng nakakaloko haha sarap kasi asarin eh.

"Che gamotin mo nalang ako, nang-aasar pa eh" -Sabi nyang pataray.

Nako nagkasugat na nga nagta-taray pa.Sinimulan ko nalang gamutin ang pasa nya sa ulo, sya naman aray ng aray hay nako ang ingay naman nga babaeng ito. -______-

"Tumahimik ka nga dyan ang ingay-ingay mo kaka-aray eh." -Ako habang nilalagyan ng bandaid yung sugat nya.

"Eh kasi naman dini-diin mo eh na parang sinasadya." -Khai

"Oh ayan na tapos na matulog ka na doon" -Sabi ko sakanya at tumayo para isa-uli ang medical kit. Pagkatapos kong sinauli ang medical kit tuming ako sa kinao-opuan ni Khai, at nakita ko syang nakatulala at tumotulo ang mga luha.

Anyare sa Babaeng ito? Nilapitan ko naman sya at umo sa tabi nya.Nang bigla nalang syang magsalita.

"Di lang pala ako ang iiwan nuh?" -Sabi nya habang nakayuko at umiiyak parin.

Siguro narinig nya yung mga pinagsasabi ko kanina habang kausap ko si Mich sa cellphone. Haayyy nagflashback nanaman yung mga sinabi ni Mich sakin. Ang sakit talaga, kaya pala hiniwalayan nya ko kasi ayaw nya daw akong masaktan dahil dalawa kaming lalake sa buhay nya at mas mahal nya daw yung isa, walajong babaeng yun ka babaeng tao kaya ipagsabay ang lalake eh ako nga di ko nga kaya kahit lalake ako. Pero bahala na sya sa buhay nya, ang gagawin ko nalang ngayon ay kalimutan sya ang bumalik sa pagiging badboy.

Naramdaman ko namang tumulo na pala ang mga luha ko.Si Khai naman umiiyak parin pero ngayon sa naka-angat na ang ulo nya.

"Oo ako rin iiwan." -Sabi ko sabay pahid ng mga luha ko sa pisngi.

"Ang hirap tanggapin nuh? Lalo na't pabigla-bigla ang pagka-wala nya." -Khai

"Oo nga ang mas mahirap pa dun eh yung dimu kayang mawala sya." -Ako. MMK nanaman kami dito.

"Uhm Nick tungkol nga pala sa gf mo bakit kayo naghiwalay?" -Seryosong tanong sakin ni Khai.

"Dalawa daw kami sa buhay nya, tapos sabi nya ayaw nya daw akong saktan, pero huli na eh sinaktan niya na ako alam mo bang sa lahat ng nahing gf ko sya ang sineryoso ko at minahal ko ng todo, at nabawasan ang pagka badboy ko dahil sa kanya. Pero ang lahat ng yun ma sasayang lang pala. Kailan nag seryoso nako sa isang babae dun pa ko maging masaktan ng todo, akala ko sya na ang hinahanap ng buhay ko pero nagkamali ako sya pala ang sisira ng buhay ko at saktan ako ng ganu-ganun nalang? Khai sobrang sakit Khai. Kung para sayo badboy ako oo badboy ako pero kung mag mahal ako seryoso pero iba kay Mich eh ibang iba." Sabi ko sabay pahid sa mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.

Nung tumingin ako kay Khai nakit ko namang nakatulog na pala sya. Hay ewan ko sayong babae ka nag papakwento pero tutulogan lang pala ako.

Kinarga ko naman si Khai na pina bridal style para ayusin ang pagka higa nya.Pagkatapos kong inayus ang pagkahiga niya tinitigan ko sya, para syang anghel ang kinis ng mukha nya at ang pula ng mga labi tapos ang soft ng labi nya. Maganda naman talaga si Khai eh may pagka chinita ang mata pero ayaw nya daw ng chinita, hay ewan ko sayo Khai.Humiga na rin ako sa isang malaking sofa, alangan naman iwanan ko itong mala-anghel pag matulog? syempre babantayan ko nalang baka mapano eh.

Khai's POV

Sunday Morning.

"Best uy best gising."

Naramdaman kong may yumogyug sakin at pag dilat ko ng aking mga mata ay bumungad agad ang ni Karla sakin.Ano ba yan sarap pa ng tulog ko eh.

"Uhmm bakit?" -Ako habang pinikit ulit ang mata.

"It's 10:30 na best pero tulog ka parin tapos dito pa talaga sa sofa natulog eh diba magkatabi tayo kagabi?" -Karla

"Ano ba yan ang aga-aga sobrang dal-dal mo best." -Ako sabay talikud sa kanya.

"Edi bahala ka basta kami aalis na kami para ihatid na si Allen sa airport. bye" -Karla sabay alis.

Oo nga pala ngayon ang alis ni Allen.

"Wait best maliligo lang ako." -Ako, at tumayo na para umakyat sa kwarto ni Allen at maligo.

Pagkatapos kong maligo kumain na muna ako at tumungo na sa van, ako nalang pala hinintay nila kasi andito na silang lahat.Tumungo na kami sa airport mga 30minutes ang byahe papunta dun.

"Ang tagal mo best" -Allen

"Sorry best" -Ako sabay peace sign.

"Uy best bakit dun ka sa sofa natulog ha? eh malamok doon at tsaka diba magkatabi tayo kagabi? Tapos anong nangyari dyan sa ulo? Bakit may bandaid yan? Ok ka lang?" -Karla.

"Best dahan-dahan lang sa pagsasalita." -Ako sabay kamot sa likod ng ulo ko.

"Oo nga Karla ang ingay mo para kang manok diyan putak ng putak." -Naiiritang sabi ni Jeric.

"Che! wag ka nga maki-alam, tsaka best ano ba talag nangyari dyan." -Karla sabay turo nya sa pasa ko sa ulo.

"Natamaan ko sya sa cellphone kagabi." -Malamig na sabi ni Nick habang nakatingin sa labas ng bintana.

Silang lahat naman napatingin kay Nick except kay manong driver syempre.

"Oo dahil to sa kanya kasi natapon nya ang cellphone nya at di nya na malayang nandun pala ako sa likod nya." -Ako

"Pero paano best?" -Karla

"Ganito kasi yun, nung di ako maka tulog lumabas ako ng kwarto at pumunta sa pool para mag muni-muni, tapos nun, nag lalakad lakad ako papuntang garden, at dun nakita ko si Nick na may kausap sa cellphone nya, kaya ayun dun nalang ako umopo sa grass na medyo malayo layo sa kanya, kaso bigla syang tumahimik at may bigla ring tumama sa ulo ko at yun ang tinapun nyang cellphone kaya ayun kinuha ko yung cellphone nya at padabog na lumapit sa kanya at sina-uli ang cellphone nya. Pero nung nakita nya akong may sugat sa ulo kaya ayun ginamot nya ako. Nag eemote pa naman ako nung time na yun panira nga eh. Pero infairness ha para syang bakla kagabi kasi umiiyak at solid rin sya pag magmahal." -Kwento ko

"Hoy Khai kung maka pagsalita ka diyan parang wala ako dito ah. At tsaka di ako bakla nuh.Ganun lang talaga ako pag umibig." -Nick

"Sorry po nagsasabi lang ng totoo." -Ako

"Shhhh. tahimik na ang ingay-ingay." -Karla

"Ano ba yan eh ikaw nga nagsabing e-kwento ko." -Ako

"Oo nga, pero may sinabi ba akong makipag-away best?" -Karla

"Ay kaya nga sorry hehehe" -Ako

Sorry makulet talaga ako at hilig maki pang trashtalk hahahaha.

-----------------------------------------------------------------

SORRY GUYS NATAGALAN SA PAG UD, BUZY KASI AKO EH HEHE. NEXT TIME BILIS-BILISAN KO NA HEHE.

INSTAGRAM:kyletrish

Page in Fb: KYLE TRISHA PENION

**THANKYOU! :*

I'm Inlove with The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon