Salamat sa Asong May Rabies (Kai: One Shot)

1.1K 63 14
                                    

April 11, 2014


PLAGIARISM IS A CRIME.


Beware of cliché events and OA remarks. Do not read just so you can make fun of me.


****


"'Wag na Ira! Mamaya makagat pa tayo nung asong gala dun!" sabi ni Tin, bestfriend ko.


"OA mo naman! Hindi naman tayo tatakbo kaya hindi tayo hahabulin nung aso dun," pilit ko sa kanya.


Eh kasi...gusto kong makita si crush. Dun kasi sa street na 'yon makikita yung school nila. At dun rin sa street na 'yon makikita yung asong may rabies na ang hilig hilig mangagat.


Pero alang-alang kay crush, susuungin ko ang daan na 'yon! At dahil sa asong 'yon, nakalimutan kong mag-introduce. Ahem, I'm Keira Mae Reyes. Pero mas kilala ako bilang Ira.


"Please lang Ira! Ayoko pang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay!" Naiiyak niyang tugon.


"Ang nega mo! Para namang mamamatay ka eh aso lang naman 'yon!" Ismid ko sa kanya.


"LANG?! Eh may rabies eh! 'Pag ako nakagat nun, ikaw ang mananagot!"


"Oo. Ako ang sasagot sa burol mo," ngumisi ako nang manlaki ang mata niya.


"EH?! Bahala ka!"


"Uy joke lang!" Sabi ko saka pinilit pa sya nang pinilit. Kaya ayun, naglakad kami papunta dun sa school NIYA. Gusto ko kasing masilayan ang mala-Kim Jongin nyang mukha! Haha.


Bago kami makalapit dun sa school nila, nagdasal muna ang loka.


"Diyos ko, save my soul," Haha takot talaga si Tin pagdating sa mga aso. Ako rin naman eh. Pero hahamakin ko ang lahat makita ko lang ang mukha ni crush.


Nagpatuloy kami sa paglalakad. At ayun! Kahit 5 meters ang layo nya sa'kin, klarong-klaro na sya yun! Naks! The best telescope talaga ang mata ko!


At syempre, konting papansin naman dyan. Tawagin nyo na akong KSP pero gagawin ko talaga 'to! Hinulog ko yung mga librong dala ko. HINULOG. Oo. Hindi NAHULOG.


"At alam nyo yung mukha nya---" (friend nya)


"Ay palaka!" sigaw ko kaya napatingin sila sa'kin.


"Nice one pre! Yung mukha nya..AY PALAKA!" panggagaya nung friend nya sa'kin.


"Haha. Oo nga," sabi nung isa pa nyang friend saka lumapit sa'kin. Ang gwapo! Pero mas gwapo si crush!! Hindi nga lang gentleman. Hindi man lang ako tinulungan! Ang hirap kayang magpapansin.

SALAMAT SA ASONG MAY RABIES (Kai: One-Shot) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon