My Impossible Love

22 0 0
                                    

Author's POV

New author na po ito, my name is PEANUT! 

Introduction : 

Woman hater + Man hater = ? 

Ano kayang mangyayari kung mag krus ang landas nila? Matuto ba sila magmahal ng hindi ka-uri? 

Noong unang panahon, may dalawang mundo. Isang mundo ng kagandahan, isang mundo ng katapangan. Ang 2 mundo na ito, ay hindi nadadagdagan at hindi nababawasan. 

Ang mundo ng kagandahan, mga babae lamang ang mga nakatira dito. Tila sila'y masayahin at magaganda. Puno ng kasiyahan ang mundong ito, lahat sila ay puro pagkakaibigan lang ang nasa isip. 

Ang muno ng katapangan, mga lalaki lamang dito. Hindi tulad ng isang mundo, ito'y puno ng galit. Lahat ay itinuturing na kaaway, maliban sa isa't-isa. 

Isang trahedya ang nangyari, sumugod ang mga kalalakihan sa mundo ng mga dalaga at sinira ito. Lahat sila'y namatay, ngunit may isang nabuhay. Siya'y nagtago, hanggang matapos ang labanan.

Ngunit ang mundo ng kagitingan ay naparusahan ng Diyos, lahat sila'y binawian ng buhay. Ngunit, may itinira ang Diyos. Isang lalaki. 

Ang dalawang nilalang ay ipinadala sa kasalukuyan, binura ang mga memorya nila ng tuluyan. Pero, ang galit sa puso ng dalawa ay tila nandoon pa. 

Anong mangyayari pag nagkita sila?

Maaalala ba nila ang isa't isa?

Matuto ba sila magmahal? 

O di kaya? 

Ituloy ang labanan?

Tara na at subaybayan! :) 

                                                      -Peanut.

My Impossible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon