"Wag ka Lang mawala."
Ang aking hiling, huling subok
Huling Hila, huling suntok sa buwanPero parang bagyo,
Matindi ang bagsik
Mabilis naglahoHanggang hangin na Lang ba
Magaan pero paharangIkaw ang unang tumiwalag
Matapang pero duwag
Humawak pero humiwalay
Bawat himlay itinayaEwan ko ba
"Wag ka Lang lilingon"
Ang sabi mo sa akin
Para Hindi masyadong masakitHindi ko man nakikita
Damang Dama ko naman
Hirap na Hirap na akong lumangoy sa karagatan ng mga nabigong pangarapDi ko na alam ang pagkakaiba ng Langoy at lunod
Sa kakasunod sa ulap moEwan ko na.
Masasanay na din sana ako. Hindi ngayon, Hindi soon, pero sana.
Sana is better than Siguro.