"Akala ko huli na"

16 0 0
                                    

Yung nasabi mo sa sarili mo na "Ayokong ayoko na". Yung part ng buhay mo na tingin mo wala ng mararating, para kang pinagsakluban ng langit at lupa at nawawalan na ng pag-asa sa mundo. Lahat naman tayo may kanya-kanyang kwento sa buhay, may ibang sobrang miserable talaga. May iba ding mahina lang yung loob at may ibang feeling miserable lang ang buhay. Yung bang hindi lang napasa yung general psychology sa professor na hindi mo pinapasukan kasi hindi mo kasundo, eh pakiramdam mo wala ka ng pag-asang mabuhay.

Lahat tayo may kanya-kanyang purpose sa mundo. Yung iba magiging doctor at maglilitas ng iilang buhay, yung iba naman magiging pulis at papatay ng drug addict. At yung iba naman ang purpose nila eh maging pataba sa lupa. Oo, pataba sa lupa kasi may mga ibang taong nakatadhang maagang lumisan kasi ayun yung purpose nila sa mundo. Oo alam ko nakakalungkot, pero sa bawat panahon na dumaan sa buhay ng taong yun eh naging part siya ng buhay ng ibang tao maganda man o masama.

Oo alam ko, na sa tuwing pakiramdam natin eh pinagsakluban na tayo ng langit at lupa tatanungin natin kung bakit napakaraya ng mundo. Bakit napakaunfair, diba? Ikukumpara mo yung sarili mo sa ibang tao, na "bakit siya ganito ganyan yung buhay niya puro positive yung nangyayari, samantalang ako ito umiiyak at nagdurusa." Yung bang pakiramdam mo eh "Me against the world." Apir! Oo naman siyempre, alam ko yung pakiramdam ng ganun. Yung bang ikaw mukha ng zombie sa sobrang stress samantalang siya kahit walang derma, kahit walang spa at kahit walang pag relax sa kung saan mang salon at spa dyan eh mala Liza Soberano at Enrique Gil ang peg (itsura).

Oo, alam ko mahirap. Kasi lahat tayo may kanya kanyang pinagdadaanan sa buhay. Yung iba may sakit, financially unstable, broken family, rejections, failures at higit sa lahat BROKEN HEARTED. Ang sakit sakit sa puso diba? Yung mapapakanta ka ng "Langit lupa impyerno-im-im-impyerno, SAKSAK PUSO TULO ANG DUGO. Patay, buhay umalis ka na diyan sa pwestuhan mong mabaho." OH DIBA? Powerful ang pagkanta at may tune pa. 😂

Oo, broken hearted. Kasi iniwan ka niya at pinagpalit sa taong mas better sayo. Ang saya diba? Yung mapapastatus ka sa facebook na "Feeling pained" at mapapapost ka sa twitter kasi nagrarant ka. Yung mapapa-my day ka sa messenger at ig mo ng "SAAN MAY SHOT?" o kaya pipicturan mo yung alak tapos may caption na "KAPALIT PALIT BA AKO?" Kaberg! Diba? Pasok na pasok sa banga. Bigyan ng jacket sabi ni Kuya Wil!

O kaya yung iba naman, mas pinili nalang na itigil nalang yung relasyon kasi hindi na healthy. Lahat naman tayo may kanya-kanyang dahilan bakit hindi na nagwork out. Yung iba nga 10 years ng magkarelasyon eh naghihiwalay pa, at yung iba naman isang araw pa lang eh naghiwalay na tapos makapag post sa social media ng "Nagmahal, nasaktan, shumat." 😂

Siguro mapapatanong ka kung bakit emphasized masyado yung pagiging "Broken Hearted" kasi ayun yung pinaka nagiging dahilan ng tao para sumuko sa buhay. Yung pagmamahal kasi ayun yung nagbibigay satin ng dahilan para magpatuloy. Para magkaroon ng mga plano sa buhay, kasi kailangan para sa mga taong mahal mo sa buhay at mga taong nagmamahal sayo. Yung nagmahal ka tapos minahal mo ng sobra sobra na halos ibigay mo na lahat pero sa huli sasaktan ka din. Gaya sa pinaka una kong sinulat na "Bakit Marami Ng Takot Magmahal."

Yung tipong patalon ka na sa building tapos biglang nagflashback lahat lahat ng magagandang memories na meron ka, (lakas makatrain to busan diba? May pagflashback). Maalala mo yung mga mukha ng mga taong nagmamahal sayo. Maala mo na "YUNG FAMILY, FRIENDS AT SI ANO MAHAL PALA AKO."

Natanong ko nga yung sarili ko isang beses kung bakit ganun sila. Yung bang kahit sobrang daming problema ng buhay nila eh blooming pa din. Alam mo kung bakit? Kasi nga sila yung mga taong alam maghandle ng sarili nila. Sila yung mga taong alam yung capabilities nila at alam yung purpose at goals sa mundo. Yung tipong nakasuot na ng shield at handang harapin lahat lahat, yung iba lakas maka wonder woman at superman diba? Ano kayang sikreto nila?

Tadaaaa! Yung sikreto nila eh "GINAGAMIT NILANG INSPIRASYON YUNG MGA BAGYONG DUMADATING SA BUHAY NILA PARA MAGING MATATAG AT MAGPATULOY. NA KAHIT ANONG BAGYO MAN ANG DUMAAN EH KAYANG KAYA KASI KINAYA NGA YUNG MGA DUMAANG BAGYO SA BUHAY. ITO PA KAYA?"

Isa sa hilig ko eh makinig ng iba't ibang kwento ng buhay ng iba't ibang tao. Ewan ko ba, kasi siguro gusto ko malaman yung naging dahilan nila para magpatuloy sa buhay. Lalo na yung matatanda, madaming madami na silang pinagdaanan. Lahat sila may kanya-kanyang naging paraan para harapin yung problema nila. Isa pa sa natutunan ko eh yung i-compare ko yung problema ko sa problema ng ibang tao. At the end of the day after ko siya i-compare at mapagisipan dun ko nalang na masasabi na swerte pa rin talaga ako kasi madali lang pala problema ko. Saka ako magkakaroon ng ideas kung anong dapat gawin sa problema ko.

Oo, hindi tayo pare-pareho. Pero kung magfofocus tayo sa isang bagay na alam nating kakayanin natin, edi makakaya talaga natin. Minsan maiisip mo wala ng dahilan para magpatuloy, huli na lahat. Isipin mo nalang yung mga taong nandyan para sayo, yung mga taong nagpapakita ng importance mo sa kanila. Yung pamilya mo, kaibigan, partner, pet at kung ano ano pa. Sobrang daming dahilan para magpatuloy.

Parang ako, sumuko na. Nawalan na ng pag-asa sa lahat ng bagay, yung pakiramdam na lumpo ka na at vulnerable. Hindi na nagfafunction yung utak mo, pero ngayon may mga taong nagparamdam sakin ng importance ko sa mundo. May isang taong nagparamdam ng importance ko, bilang isang tao at bilang isang partner. Ang sarap sarap mabuhay, ang sarap sarap kumain ng ice cream, pasta, ramen, chocolate chip cookies, potato chips, pizza, burger at fried chickennnn.

Huy! Ang dami ng food parks dyan oh. Isa isahin mo nalang, malay mo isang beses nung umorder ka tapos pabalik ka na sa table mo tapos biglang nalaglag yung spoon mo tapos may pumulot para sayo tapos dahan dahan kayong nagkatitigan at kasabay ng background music na "Moving Closer" at inabot sayo. Oh diba? Kinilig ka naman.

Ngayon, tanungin mo yung sarili mo kung ano bang purpose mo sa mundo. 😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Akala ko huli na"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon